CHAPTER 9

420 28 4
                                    

HARRY – YEAR 2015

DALAWANG BESES!! Dalawang beses na akong muntik na mapatay ni Andrew ngayong araw, dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Akala ko ay aatakihin na ako sa puso. Hindi naman ako ganitong pavirgin sa ibang lalaking nakasalamuha ko na, pero pagdating sa kanya? Iba talaga eh.

Dahil sa kaba ko kanina, ay napauwi tuloy ako ng wala sa oras.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay biglang nagring ang phone ko. Si Paul, tumatawag. Isa pa yang Paul na yan!! Kanina ay ninakawan ako ng halik sa pisngi nung hindi nakatingin si Andrew sa amin. Akala ko nga ay obvious yung pamumula ng mukha ko kanina, sobrang init kasi ng aking tenga. Mabuti na lang talaga at hindi napansin ni Andrew yung pamumula ko.

Pinapahirapan ako nitong dalawang lalaking ito sa buhay ko, kahit wala namang umaamin sa kanila na gusto nila ako. Ayoko namang maging ilusyonado, kaya go with the flow lang ako. Sana lang talaga, hindi ako masaktan sa huli. Pag dumating sa point na yun, ako na mismo ang iiwas. Hindi naman kasi pwedeng puro ganito lang kami. Wala akong idea kung ano ang tumatakbo sa isip nila at hindi naman pwedeng hayaan ko na lang sila na ganito.

"Yes Paul?" tanong ko dito.

"Ay, parang di ka masaya na tumatawag ako?" medyo patampu-tampuhan nitong sabi sa akin.

"Hindi naman, eto naman. Bakit nga?" medyo nilambingan ko ang aking boses, baka kasi tuluyang magtampo. Ayoko kasi nung ganoong feeling. Yung may nagtatampo sayo, kahit sino pa yan. Di ako sanay.

"Wala lang namiss kita," sagot nito. Base sa tono ng pananalita nya ay alam kong nakangiti ito ngayon.

"Namiss ka dyan, eh halos kaaalis mo lang ah?" sagot ko dito.

"Sungit mo naman," sagot nito sa akin. "Gusto ko lang sabihin sayo na lilipat na ako bukas dyan sa apartment," dagdag pa nito. Ako ba ang may hawak ng susi nila? Bakit sa akin sila nagpapaalam? Natatawa tuloy akong mag isa.

"Okay sige, bisitahin na lang kita bukas," sagot ko dito.

"Masarap ba yung kiss kanina?" out-of-the-blue nitong sabi. Bigla ko tuloy naalala ulit yung nangyari kanina.

"Oo nga pala, may atraso ka pa, magnanakaw ka ng halik!" biro ko dito.

"Sorry na, hindi lang ako nakapagpigil kanina, nakakatempt kasi yang cute mong cheeks," wika nito sa akin. "Hayaan mo, ikiss mo na lang din ako bukas, para makabawi ka," biro pa nito.

"Ewan ko sayo," natatawa kong sabi dito. "Sige na, tutulog lang ako saglit, kulang ako sa tulog eh," paalam ko dito.

"Pwede tabi tayo? Mamasahihin kita," tanong nito.

"Neknek mo!" singhal ko kay Paul. Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya.

"Okay sige na, bye!" paalam nito, saka ibinaba ang tawag. Anlakas talagang mang-asar nung isang 'yon. Itinapon ko na lang ang sarili ko sa akin kama.

Hindi na ako lumabas ng bahay, simula nang makauwi ako kanina. Pagkagising ko kanina ay nagstay na lang ako maghapon sa loob ng aking kwarto at nanood ng kahit ano sa youtube. Ayoko muna kasing makita si Andrew, hindi ko kasi alam kung anong irereact ko pag andyan na sya sa harapan ko. Shit talaga, para tuloy akong babae ngayon, dahil sa kanya.

Dumating agad ang gabi ng hindi ko namamalayan. Dahil nakabukas ang bintana ng aking kwarto, biglang pumasok ang malamig na hangin. Dahil sa ginaw ay tumayo ako ng kama, para isara ang bintana.

Isa-slide ko na sana yung bintana nang mapatingin ako sa labas. Agad na nakita ko yung lalaking nakaupo at nagyoyosi sa kahoy na bangko. Si Andrew. Nakatingin din ito sa bintana ko. Kitang-kita, kasi naiilawan sya ng lamp post sa tabi ng puno. Bumalik yung kaba ko kanina nang makita ko sya. Natigilan ako, hindi ko na naisara ang bintana. Magkatinginan lang kami nang nakita kong dinampot nya ang cellphone nya, at may pinindot doon. Itinapat nya ang phone sa tenga nya, habang nakatingin pa rin sa akin. Kasabay naman noon ang pagtunog ng cellphone ko na nagkataong hawak ko rin. Tinatawagan nya ako. At syempre, alangan namang hindi ko sagutin yung tawag.

The Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon