HARRY – YEAR 2015
My life is a mess right now. I don't know where to go, and I don't know what to do. Hindi ko alam kung ano nang dapat kong gawin. Naubos na ang luha ko kakaiyak, kaya naiwan na lang ang malalaki kong eyebags. Bakit ba kaylangan pang mamatay ng mga tao? Eh kung mamatay na lang din kaya ako? Sunod na lang kaya ako kila Mommy at Daddy sa langit? Pero alam ko namang ayaw nilang sumunod ako agad sa kanila.
Mahigit isang buwan na ang nakakalipas matapos silang mailibing pero sariwang-sariwa pa rin sa akin ang sakit ng mga pangyayari. Parang kahapon lang ang lahat. Masaya akong nagtatrabaho sa Manila bilang head chef sa main branch ng restaurant na pag-aari din ng parents ko nang mabalitaan ko ang car crash. Sakay ng kotse sila Mommy, na nabunggo ng ten wheeler truck na minamaneho ng inantok na driver. Himalang nakaligtas pa ang driver ng truck, samantalang ang parents ko ay hindi.
Halos paliparin ko ang aking kotse pauwi ng Laguna. Wala na akong pakialam kung maaksidente din ako, ang kailangan ko lang ay makita ko sila agad....
Pero sa morge ko na sila natagpuan. Nawalan ako ng malay nang makita ko ang katawan nilang may takip na puting tela. Hindi ko matanggap.
Matapos ang lamay ay hindi ko pa kayang magtrabaho agad agad, kaya ipinaubaya ko na lang sa aking kaisa-isang Tito ang pag-aasikaso sa mga naiwan ko sa Manila. Dito na lang muna ako sa Laguna for a while.
Maraming iniwang mana ang parents ko sa akin. I am the only child in the family. Ang parents ko ay may-ari ng isang insurance company, na ngayon ay sinalo na ni Tito Jess. Pero marami ding naipundar ang parents ko na properties. Bukod sa restaurants na may anim na branches sa Manila at iba pang lugar, mayroon pa kaming apat na branches ng jewelry store.
Nandito naman sa Laguna ang isang magarang Diner. Sabi ni Daddy ay sa Diner na yun kami nagsimula, kaya hindi na nya yun pinaremodel. Nandito din sa Laguna yung mga pinaparentahan naming apartments na ngayon ay mayroon nang 40 units. Malaki ang loteng pinagtitirikan ng dalawang building na ito na may tig-apat na floors, at limang units kada floor. Nakahiwalay ang tinutuluyan ng isang caretaker, isang security guard at isang 'landlady' na tagasingil sa mga tenants. Ang tagasingil na rin ang tagaasikaso sa mga bagong gustong mangupahan, at namamahala sa mga papeles. Sya rin ang tagabantay ng sari-sari store. Pinalagyan talaga ni Daddy ng sari-sari store ang lugar, para hindi na kailangang lumayo pa ng mga tenants kung kailangan nilang bumili.
Malapit ang apartments sa isang malaking University, kaya halos walang naiiwang bakante sa mga units. Sa katapat lang na kalsada ng apartments ang bahay namin na ngayon ay ako na lang ang nakatira, bukod kay Nanay Tasya na nagpalaki sa akin.
Pero kahit na iniwanan ako ng aking parents ng maraming properties, aanhin ko ang mga ito kung wala naman sila sa tabi ko? Handa akong ipagpalit ang mga ito makasama ko lang silang muli. Alam ko namang hindi na mangyayari yun.
Iniisip ko na lang na everything happens for a reason. Alam kong may magandang future na nakalaan para sa akin. Tama na ang pagmumukmok, panahon na siguro para lumabas ng bahay at makalanghap ng sariwang hangin.
"Harry, labas ka na, kakain na tayo," tawag ni Tito Jess sa labas ng pinto ng aking kwarto. "Hindi ka na nag-agahan, kaya sana maglunch ka naman," dagdag pa nito.
Bukod sa kapatid si Tito Jess ng Daddy ko, sya rin ang tumatayong parang secretary slash financial adviser slash... basta kung ano man ang pwedeng itawag sa kanya. Sya ang nakakaalam ng pasikot-sikot ng lahat ng negosyo namin at talagang pinagkakatiwalaan namin sya. Actually, close ko sya, at tinuturing ko hindi lang bilang tito, kundi para na ring barkada. Umuwi muna sya dito sa bahay para samahan nya ako. Sya ang tagacomfort ko ngayon bukod sa Nanay Tasya ko.
BINABASA MO ANG
The Future Boyfriend
FantasyDalawang pusong nakatadhana sanang magtagpo... Sa isang pagkakamali ko ay parehong nabigo... Hindi ako makakapayag na muling magkamali, Kaya kahit mapanganib, pinagtagpong muli. Magkaibang lugar at panahon.. Pagtatagpuin sa isa pang pagkakataon...