(Warning: Medyo SPG. Medyo lang naman. Sobrang mild pa nito. Super super mild, promise. Pero read at your own risk pa rin. You can skip this chapter if you want.)
HARRY – YEAR 2015
Nagising akong nakahiga sa aking kama sa loob ng aking kwarto. Mataas na ang sikat ng araw.
Nang makabangon ay biglang nagpalpitate yung puso ko nang maalala ko kung ano yung nangyari kagabi. Totoo ba yun oh panaginip lang? Para kasing imposible.
Sa pagkakaalala ko, sinabihan ako ni Andrew na mahal nya din daw ako. Muli akong umiyak noon, pagkasabi nya nun. Nang mahimasmasan ako kagabi ay hinawakan nya ang kamay ko at isinama palabas, dun sa mga classmates ko. Dapat daw ay masaya kami. Magkatabi kami ng upuan, at sa ilalim ng mesa ay magkahawak kamay pa rin kami.
Humingi rin ng sorry yung mga classmates ko kay Andrew, dahil dun sa nangyari sa kanila ni Gerald. Tinanggap naman agad ni Andrew ang sorry, at nagpatuloy ang aming kasiyahan.
Ala-una na ng madaling araw nang nagpasyang umuwi ang mga classmates ko. Sinabi kong dito na sila matulog, pero may pasok pa raw sila sa trabaho. Ganun din si Paul na sumabay na sa kanila sa pag-alis.
Sa huli ay nagpaiwan saglit si Andrew, para tulungan akong magligpit. Pagkatapos, ay umuwi na rin ito. Pero bago sya umalis ay niyakap nya ulit ako ng mahigpit saka hinalikan sa noo. Ang sarap sa pakiramdam.
Napangiti ako nang maalala ko ulit yun.
Medyo nagdududa pa nga ako na parang hindi totoo. Naisip ko pa na baka naman nakainom lang sya, kaya nasabi nya yung mga yun?
Lumalabas na naman yung pagiging doubtful ko. Nagkibit balikat na lang ako, saka lumabas ng aking kwarto, para makapaghanda ng aalmusalin ko. Pagkatapos ay ipagluluto ko si Andrew ng lunch, na pwede nyang kainin, pagkauwi nya galing sa Diner. Saka ko itatanong kung tama ba talaga yung narinig ko sa kanya kagabi.
Nang makababa ako ng hagdan ay bumulaga sa akin ang mabangong amoy na nagmumula sa kusina. Agad akong nagtaka.
"Andrew!?!" gulat kong tawag dito nang madatnan ko syang nagluluto. "Paano ka nakapasok dito?"
Lumingon ito sa akin saka ngumiti. Pagkatapos ay nilapitan ako nito at niyakap, saka hinalikan sa pisngi, bago bumalik sa kanyang ginagawa. Kung ganito ang sisilay sa akin araw-araw, eh sigurado akong gaganda ang bawat umaga ko.
"Hindi mo sinagot yung tanong ko 'drew," nakapout kong sabi.
"Ginamit ko yung spare key nyo sa ilalim ng door mat sa labas," sagot nito nang hindi ako nililingon.
"Teka- paano mo nalaman na may spare key dun?" taka kong tanong.
"Ah.. eh.. ano, s-sinabi sa akin ni Nanay Tasya, nakasalubong ko kasi sya kahapon ng madaling araw. Tinext kita, di ba? Ibinilin ka sa akin, tapos sinabi nyang may susi nga daw dun," paliwanag nito. Parang bigla syang nataranta. Ayos lang ba sya?
"Ganun ba? Si Nanay talaga," nakangiti kong sabi habang umiiling. Tumahimik na lang ako at umupo sa stool.
"Coffee, Sir Harry?" tanong nito. Pero hindi na nya ako hinintay sumagot, at inabutan na agad ako nito ng isang mug. Wait, paano nya nalaman na ito yung mug ko? Mind reader ba itong misteryosong lalaking ito? Tinanggap ko na lang ang mug, anyway.
Bumalik ito sa pagluluto, habang hinihigop ko ang masarap nyang kape.
"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko kay Andrew.
"Day-off ko ngayon," sagot nito. Pwede ko pa rin naman syang ipagluto ng lunch.
"Masosolo kita maghapon," muling sabi nito. Medyo kinabahan ako, pero naexcite sa sinabi nya. Nag-init ang tenga ko. Mukhang nagbu-blush ako.
BINABASA MO ANG
The Future Boyfriend
FantasyDalawang pusong nakatadhana sanang magtagpo... Sa isang pagkakamali ko ay parehong nabigo... Hindi ako makakapayag na muling magkamali, Kaya kahit mapanganib, pinagtagpong muli. Magkaibang lugar at panahon.. Pagtatagpuin sa isa pang pagkakataon...