HARRY – YEAR 2015
Gumising ako na medyo magaan ang pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit may panibagong energy sa aking katawan ngayon. Parang may pwersa na nagtutulak sa akin na maging masaya. At maging makata. Ang weird na kasi ng sinasabi ko.
Nanonood ako ng TV sa salas nang may mareceive akong message sa aking phone.
"Hi, Harry! This is Paul. We met at the mall yesterday. Would you mind if I invite you for lunch later?" text nito sa akin. May kakaibang excitement sa puso ko. Sya siguro yung energy na sinasabi ko.
"Nope, I won't. Just tell me where and when," reply ko na may smiling face pa. Nireply naman nito sa akin ang lugar at kung anong oras kaming magkikita. Tapos ay sinagot ko sya ng "See you!" yun lang at hindi na sya nagreply. Ok lang, magkikita naman kami maya-maya lamang.
Alas onse na nang magsimula akong magready para sa date namin ni Paul. Syempre gusto ko namang magmukhang gwapo sa harapan nya. Hindi pwedeng sya lang ang gwapo, baka maraming mainsecure sa akin mamaya. Haha!
And wow. Parang bumabalik na yung pagiging maloko ko at masiyahin. Dahil ito kay Paul, I think.
Matapos maghanda ay sakay na ako ng kotse. Dinala ko ang sasakyan sa meeting place namin, sa parking lot ng isang restaurant.
Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko syang nandoon na at nakaupo sa isang table. Agad ko itong nilapitan.
"Hey," bati ko dito. Maluwag ang pagkakangiti ko.
"Hi Harry, please have a seat," bati naman nito na nakangiti rin.
"Ahm, kanina ka pa ba?" tanong ko.
"Hindi naman," sagot nya. At umorder na nga kami ng pagkain.
Habang kumakain ay tinanong naman ako nito tungkol sa aking sarili. Eto na yung favorite kong part. Getting to know each other. Kilig!! Haha.
"Ilang taon ka na Harry?" tanong nito.
"I'm Harry Esteban, 22, from Laguna," wika ko, tapos binigyan ko sya ng killer smile. Parang sa pageant lang. Haha. "Ikaw naman!" sabi ko dito. Tumawa muna ito. Mukhang gusto nya ang mga taong makukulit, kasi feeling ko ay makulit din sya.
"Okay. I'm Paul Justin Pascual, 24, from Cavite," tapos sya naman yung ngumiti nang nagpapapogi. Syet, akala ko sumabog yung puso ko. Ang gwapo!.. At malandi ako.
"Ah, taga Cavite ka pala? Anong ginagawa mo dito sa Laguna?" tanong ko dito.
"Namatay kasi yung isang professor sa isang University malapit dito. At dahil puno ang workload nung lahat ng specialized sa courses nya, nahihirapan sila sa schedule, kaya naghanap agad sila ng kapalit. Kaibigan ko yung isang prof dun, kaya sinabihan akong mag-apply. Nag-apply nga ako, tapos ako yung napili nila," paliwanag nito.
"Ano ba yung courses na tuturuan mo?" tanong ko.
"Marketing strategies and the likes," maikling sagot nito.
"Ah, so ikaw pala yung kapalit ni Daddy," mahina kong sabi.
Natigilan ito at napatingin sa akin. Nung magsink-in na sa kanya na tatay ko pala yung namatay na professor ay nanlaki ang mga mata nya.
"I-I'm sorry," tarantang sabi nito. "Hindi ko alam. It must've been hard for you,"
"Okay lang ako," nakangiti kong sabi.
"No, you're not," pagtutol nito. "I can see the sadness in your eyes. Don't worry, Andito na ako, papasayahin kita." May gayuma ata itong lalaking ito, kasi parang naniwala ako agad sa sinabi nya. Gumaan ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
The Future Boyfriend
FantasyDalawang pusong nakatadhana sanang magtagpo... Sa isang pagkakamali ko ay parehong nabigo... Hindi ako makakapayag na muling magkamali, Kaya kahit mapanganib, pinagtagpong muli. Magkaibang lugar at panahon.. Pagtatagpuin sa isa pang pagkakataon...