CHAPTER 15

157 7 2
                                    

HARRY – YEAR 2015

Ang hirap!! Bakit ganito ang epekto nya sa akin? Dalawang linggo ko pa lang syang iniiwasan, at parang gusto ko nang sumuko... hindi ko na kaya.

Nitong nakaraang dalawang linggo ay literal na tinaguan ko si Andrew. Hindi ko sinagot ang mga tawag at mga texts nya. Syempre, kailangan ko namang makamove-on agad, para hindi na mas lumala pang masaktan ako. May iba syang mahal.

Pero ang hirap gawin na iwasan sya. Lalo pa at nasanay na nga ako na nandyan lang sya sa paligid ko.

Pagkabalik ko ng bahay noong nalaman kong mahal pala ni Andrew yung Harrison ay napaiyak ako sa harap ni Tito. Yun yung simula ng pag-iwas ko sa kanya. Naaalala ko pa yung sinabi ni Tito sa akin.

"In-love ka nga sa kanya," puna nito. At alam kong totoo ang sinabi nya. Kasi hindi naman ako magiging ganito kaaffected kung hindi nga ako in-love.

Nung gabi ding yun ay nagdecide akong sumama muna sa pagbalik ni Tito sa bahay nya sa Manila kinabukasan. Pero wala namang pinagbago, kahit nag-iba ng konti yung environment ko. Naiisip ko lang si Andrew. Dito ko narealize na napaka-immature ko pa pala talaga. Paano ba naman, parang ito yung unang beses na nabrokenhearted ako. Para akong teenager na wala nang pag-asa sa buhay matapos mabasted. Pero naisip ko na lang na baka ganun naman talaga siguro pag na-inlove ka. Well, yun yung epekto sa akin, at least. Iba naman kasi ang epekto noon sa iba. Nakadepende sa tao. At para sa mga katulad kong hopeless romantic, malaki ang epekto noon.

Sinubukan ni Titong pagaanin ang loob ko habang nasa Manila ako. Sinubukan pa nyang ipakilala ako sa ilan sa mga kakilala nya. In fairness, mga gwapo nga sila. Pero wala sa kanila ang interes ko. Wala nang epekto.

Makalipas ang isang linggo ay hindi ko na kinaya, at bumalik na rin ako ng Laguna. Sa pagbabalik ko ay bihira akong lumabas ng bahay. Iniuutos ko na lang kay Nanay Tasya na kapag hinanap ako ni Andrew, sabihin nyang wala ako. Ang hirap nyang iwasan, sa totoo lang. Minsan, pag sumisilip ako sa bintana, nakikita kong nakaupo sya sa paboritong nyang upuang bangko, at nakatanaw lang sa bintana ko. Wala naman akong lakas ng loob na dungawin sya. Kasi baka hindi naman ako makapagpigil, at makapagpakatanga na naman ako't lapitan ko sya. Then masaktan ulit ako.

Pero naisip ko din naman na sayang yung friendship namin. Well, pwede ko naman sigurong ibalik yun, kapag nakamove-on ako sa kanya.

Sa sumunod na nakaraang isang linggo ay si Paul lang ang nakakasama ko palagi. Tinataon ko na hindi nakatambay sa labas si Andrew kapag lumalabas kaming magkasama ni Paul.

Kahit papaano naman, ay nakakalimutan ko si Andrew kapag kasama ko si Paul. Actually, sinabi ko kay Paul na nagtatampo ako kay Andrew. Pero nung tinanong nya kung anong dahilan, ay hindi ko na ito sinagot. Pero alam naman ni Paul, na mas matimbang na sa puso ko si Andrew kesa sa kanya. Mukha namang hindi sya naapektuhan sa sinabi ko. Ang sabi lang nya ay itutuloy pa rin daw nya, hangga't hindi pa tapos ang 'laban'. Nagkibit balikat na lang ako.

Kasama ko ngayon si Paul, pero wala sa kanya ang atensyon ko. Magkasama kami sa loob ng aking kwarto. Ayoko kasing magstay kami sa salas, kasi baka madatnan ako dun ni Andrew kapag hinanap na naman nya ako dito sa bahay.

Lumilipad ang aking utak. Palagi nalang ganito, at nahihiya na ako kay Paul sa totoo lang. Palagi kasi syang nag-eeffort na samahan ako, pero masyadong obvious na hindi ako nag-eenjoy.

"Si Andrew ang iniisip mo no?" paghuli sa akin ni Paul, pero nakangiti ito.

Tumingin lang ako sa kanya gamit ang malungkot kong mga mata saka bumuntong hininga.. tinanguan ko sya saka ako sumubsob sa aking unan.

The Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon