ANDREW - YEAR 2021
Paul pulled the trigger...
"Aaaaaandreeeew!!" sigaw ni Harry. Mabilis ang mga pangyayari. Sa isang iglap lang ay nakaharang na pala si Harry sa aking harapan, at sya ang sumalo sa bala. Isa. Dalawa. Tatlong putok ang tumama sa kanyang dibdib at tiyan. Bumulagta ito sa sahig. Agad na tumagas ang dugo mula sa mga butas na ginawa ng baril.
"Haaaarry!! Haaaarry!!" di ko makapaniwalang sigaw. Agad na umagos ang mga luha sa aking mata. Mabigat ang aking ulo, at nahihilo ako sa bawat paggalaw. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib dahil sa takot na baka ako iwan ni Harry.
"Harry!!.. Lumaban ka, Harry!!!" nagwawala kong sabi. Hawak hawak ko na si Harry sa aking mga kamay. Hinaplos ko ang pisngi nito habang tuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"I-I... love...y-you.." mahina ang kanyang pagkakasabi, pero hindi ako nagkakamali ng dinig. Sa akin sya nakatingin ng sabihin nya ang tatlong salita na iyon. Mahal ako ni Harry.
"Harry!! Mahal din kita!!" sigaw ko dito habang umiiyak. Tinapik tapik ko ang pisngi nito. "Wag mo akong iiwan! Wag ngayon!!" mabilis ang pagtaas baba ng aking dibdib dahil sa malalalim kong paghinga.. Lalo akong nagpanic nang may lumabas na dugo sa kanyang bibig. Wala akong magawa para sa kanya, at hindi ko iyon matanggap.
Sa huling pagkakataon ay nakatingin lang si Harry sa akin. Ngumiti ito sa akin at nakita ko ang pagmamahal sa kanyang mga mata bago sya tuluyang malagutan ng hininga. Patuloy lang ako sa paghagulgol.
Hindi pa ako nakakamove on sa nangyari ay sinipa ako ni Paul, palayo sa katawan ng mahal ko.
"Ikaw ang pumatay sa kanya," wika ni Paul sa akin. Tumingin ako sa mata nito at wala akong makitang kahit anong bahid ng lungkot, o konsensya. Wala na talaga sya sa tamang pag-iisip. "Hindi na sana aabot sa ganito kung hindi ka nakialam sa relasyon namin!... MAMATAY KA NA!!"
Muli nitong itinutok ang baril sa akin, pero bigla na lang syang natumba. Bumalik pala si Pogo, at ngayon ay kagat-kagat ang binti ni Paul. Pero sandaling panahon lang yon, kasi naiputok ni Paul ang baril, at tinamaan ang kawawang aso.
"Pogo!" sigaw ko.
"Letseng aso!" inis na sabi ni Paul saka pinilit tumayo. Sa galit ko ay sinunggaban ko sya. Natumba kami, at nagpagulong gulong sa sahig habang nag-aagawan sa baril. Naligo na kami sa dugong nagmula kay Harry. Nakakainis. Kung wala lang sana akong malaking injury sa ulo ay alam kong kayang kaya ko sya.
Nakabangon si Paul, kaya nahila na rin ako patayo.
Mahigpit ang pagkakahawak namin sa baril nang bigla itong pumutok. Nabitawan ko ang baril. Tumingin ako sa aking tagiliran at napansin kong may umaagos na dugo mula roon. Ako ang tinamaan.
Lalo akong nanghina at napahiga ako sa sahig. Sa aking pagkakahiga ay katabi ko na pala ang nakahandusay na katawan ni Harry. Muling pumatak ang luha sa aking mga mata. Wala na akong pakialam kung mamatay ako ngayon, at least ay makakasama ko na si Harry sa kabilang buhay.
Tumingin ako kay Paul at nakita kong nakatutok na muli ang baril sa akin. Sa huling pagkakataon ay hinawakan ko ang kamay ni Harry. Talo pa rin si Paul dahil magkasama na kami ngayong tatawid sa langit.
Papaputukin na sana nya ang baril nang bumukas ang pinto ng aking bahay. Napatingin sya sa nakabukas na pintuan.
"Ibaba mo ang baril mo!" sigaw ng isang boses. Imbes na ibaba ang baril ay pinaputukan ni Paul ang lalaking sumigaw. May narinig pa akong ilan pang putok. Pero hindi na pumapasok sa utak ko ang mga detalye.
Bago magdilim ang aking paningin ay nakita ko si Paul na bumulagta sa sahig...
==============================================================================
BINABASA MO ANG
The Future Boyfriend
FantasyDalawang pusong nakatadhana sanang magtagpo... Sa isang pagkakamali ko ay parehong nabigo... Hindi ako makakapayag na muling magkamali, Kaya kahit mapanganib, pinagtagpong muli. Magkaibang lugar at panahon.. Pagtatagpuin sa isa pang pagkakataon...