CHAPTER 7

393 28 2
                                    

HARRY – YEAR 2015

Pagkaalis nila ay pumasok na ako sa loob ng aking kwarto. Humiga ako sa kama, at hindi pa rin mawaglit sa isip ko si Andrew. Yung kakaiba nyang tingin sa akin, pakiramdam ko ay napakaespesyal ko sa mga mata nya. Nakakabagabag ng kalooban, hindi mapanatag ang aking puso. May misteryosong aura sa kanya na umaakit sa akin. Maya-maya ay nakatulog na ako.

Nang magising ako ay pinipigilan ko ang sarili ko na huwag ako ang unang magtext sa kanya. Ayoko namang isipin nyang nahumaling na agad ako sa mga mata nyang nakakahypnotize. Sa lips nyang parang malambot at masarap halikan. Sa malaki nyang katawan, na parang masarap yumakap. Sa paraan ng pananalita nya na sobrang lambing. At sa mabait nyang personality. Oh shit. Baka nga nahumaling na ako sa kanya. Iwasan ang mafall para di masaktan, mahirap na.

Napatingin ako sa family picture namin na nakadisplay sa bedside table ko. Nakita ko sa picture na ang ganda ng pagkakangiti ng parents ko.

Grabe naman Papa, Mama, isa lang ang hiningi ko sa inyo, bakit dalawa ang ibinigay nyo sa akin?

Bigla akong napaisip. Siguro ay hindi sila makapagdecide kung sino ang ipapadala nila sa akin, kaya ibinigay nila sa akin sila Paul at Andrew. Haha, ang assuming ko lang.

Para akong tanga na naimagine sila Mama at Papa na nagtatalo kung sino sa dalawa ang ipapakilala nila sa akin. Sa personality ni Paul, na palabiro, prangka, mahilig sa fun, confident, at hindi boring kasama, I'm sure makakasundo nya si Mama, kaya alam kong sya ang bet ng aking ina. Si Andrew naman, na seryoso pero marunong makipagbiruan, tahimik at misteryoso, pero may sense kausap, at gentleman ay kaugali nya si Papa, kaya sure naman ako na sya ang bet ng tatay ko.

Dahil sa hindi sila magkasundo kung sino ang dadalhin sa akin, pareho nilang ibinigay. Haha, para na talaga akong baliw sa pag-iisip ng kung anu-ano.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may magtext sa akin. Si Paul pala. Wait, nadisappoint ba ako, kasi hindi si Andrew yung nagtext? Heh, ewan ko.

"Harry, titingnan ko na bukas yung unit na sinabi mo sa akin. Pwede mo ba akong samahan?" tanong nito.

"Oo naman," reply ko sa kanya.

"Okay, nice! Kita tayo tom!" may kasama pang smiley ang reply nya.

"Sige, see you!" sagot ko naman dito. Di na sya nagreply. Eto na naman sya sa pambibitin ng text.

***

Kahit gabing gabi na ay hindi pa rin ako makatulog, syempre kagigising ko lang kaninang hapon. Patuloy akong nababagabag sa pagiging misteryoso ni Andrew. Hindi ba talaga ako yung hinahanap nya? Kasi nung masagasaan ko sya, nararamdaman kong parang ako nga yung hinahanap nya. The way he smiled, the way he looked at me, kakaiba talaga eh. Medyo nadisappoint tuloy ako nung nalaman ko na si Harrison pala.

Sino ba yung Harrison? Gusto ko sanang itanong sa kanya kung bakit nya hinahanap yung lalaking yun, kaso baka sabihan naman nya akong pakialamero o tsismoso. Though curious talaga ako kung sino ba sya sa buhay ni Andrew.

Kung yung mga tingin nya sa akin dun sa aksidente ay para pala kay Harrison, masasabi kong napakaespesyal ng lalaking yun para sa kanya. Habang iniisip ko yon ay may naramdaman akong konting kirot. Ewan ko ba kung bakit ganito na agad ang pakiramdam ko, samantalang kakakilala ko pa lang naman sa kanya.

Siguro naman, may konting masasabi sa akin si Andrew tungkol sa hinahanap nito kapag kinaibigan ko sya. Kahit yung konting reason siguro kung bakit nya hinahanap si Harrison, at kung anong details tungkol sa lalaking yun, para nang sa ganun ay matulungan ko sya sa paghahanap.

Bumangon ako para hanapin ang aking phone nang marinig ko itong tumunog. May tumatawag. Nang makita ko kung nasaan ang aking phone ay naalarma ako bigla nang mabasa kong si Andrew ang tumatawag. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

The Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon