ANDREW – YEAR 2015
Sobrang nakakafrustrate! Dalawang linggo na akong iniiwasan ni Harry. Sobrang namimiss ko na sya. Hindi ko alam kung ano bang nagawa kong mali sa kanya para iwasan nya ako ng ganito.
Matapos ang pag-uusap namin two weeks ago ay iniwasan na nya ako. Tuwing pagkatapos kong magtrabaho ay lagi naman syang wala sa bahay nila . Hindi ko alam kung saan sya pumupunta. Hindi sya sumasagot sa mga tawag at texts ko. Tapos, tumigil na rin sya sa pagtambay sa Diner.
Hay nako Harry, bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?
Kinabahan ako bigla nang marealize ko na halfway na ako sa time limit na ibinigay sa akin ni Zach. Tumawag sya sa akin kanina para ipaalala yun. At so far, wala pa kaming progress ni Harry. Hindi ko mapigilang hindi mataranta, lalo ngayon na iniiwasan nya ako.
Heto ako ngayon sa kabilang kwarto sa apartment ko at pinagtuunan ko na naman ng pansin itong bagong masterpiece na ginagawa ko. Dito ko ibinabaling ang atensyon ko, sa tuwing naiinis ako dahil sa frustration. Isang linggo ko na tong ginagawa at hanggang ngayon ay hindi ko pa tapos. Nagsawa na kasi ako sa pag-gawa ng simpleng sketches lang. Kaya ngayon ay ginamit ko na din sa wakas itong easel at canvass na ibinigay sa akin ni Jake. At syempre, si Harry ang inspiration ko. He's my muse. Ngayon ay tinatapos ko itong bago kong likha. Ang kakaiba dito ay hindi lang sya ang nasa larawan. Makikita rin dito, bagamat hindi pa tapos, na may nakayakap sa kanya mula sa likuran. Inaassume ko na ako yung lalaking yun, pero hindi ko masimulan ang mukhang bahagi, kasi spbrang weird para sa akin na iguhit ang sarili kong mukha. Hindi enough ang mga oras na tumingin ako sa salamin, para mamemorize ko ang aking mga features. Sa totoo lang ay mas memoryado ko pa ang mga detalye ng mukha ni Harry, kasi naman, past time kong titigan ang pictures nya noon. Pero kahit hindi pa ako tapos ay excited na talaga ako sa magiging kinalabasan nito. Hindi naman sa pagmamayabang, pero ang ganda ng gawa ko so far. Napakagwapo ni Harry dito.
Patuloy ako sa pagdedetalye ng gawa ko nang may kumatok sa aking pinto. Agad kong isinara itong art room ko, at dumiretso sa pinto para pagbuksan ang bisita.
"Hi, Andrew," nakangiting bati sa akin ni Mark. Hindi na ako nagulat na makita ko sya dito sa harap ng pinto ko, dahil nitong nakaraang dalawang linggo ay nakabuntot sya sa akin. Simula nang inilibre ko sya ng ice cream, ay naging magaan na ang loob nito sa akin. Hindi na sya masyadong tahimik at nakikipagbiruan na. Sya lagi ang kasama ko nitong mga nagdaang araw. Well, wala naman akong choice. Ayaw kasi akong kausapin ni Harry. Lagi namang wala si Jake, kasi magsisimula na ang Finals week sa University. Busy sya sa paggawa ng test papers and all.
"Bakit ka pawisan?" tanong nito sa akin nang makapasok na kami sa loob. Hindi naman ako nakasagot. Ayaw ko namang sabihin sa kanya na galing ako sa kwarto at nagpaint, kasi for sure pipilitin nya akong ipakita ko sa kanya yung artwork ko. Na ayaw ko naman, syempre, kasi gusto ko na si Harry ang unang makakita noon sa tamang panahon.
Dahil hindi ako sumasagot, ay napangiti ito at namula. Shit! Mukhang namisinterpret nya yung pagtahimik ko. Baka gumagana na ang malikot nyang utak.
"H-Hey, i-its not what you think!" defensive na sabi ko dito. Humagikgik naman ito ng mahina.
"Wala naman akong sinasabi ah?" natatawang sabi nito.
"Nagpush-ups lang ako," defensive pa rin ako. Pero this time, nakangiti na rin.
"Okay, sinabi mo eh," kibit balikat nitong sabi. Maya-maya ay may kinuha itong panyo mula sa bulsa at sinimulan na akong punasan sa mukha. Nawala ang pagkakangiti ko at napalitan ng medyo pagkailang dahil sa kanyang ginagawa. Hinawakan ko ang kamay nito para pigilan na ang kanyang pagpunas, pero namula lang ito, at patuloy pa rin.
BINABASA MO ANG
The Future Boyfriend
FantasyDalawang pusong nakatadhana sanang magtagpo... Sa isang pagkakamali ko ay parehong nabigo... Hindi ako makakapayag na muling magkamali, Kaya kahit mapanganib, pinagtagpong muli. Magkaibang lugar at panahon.. Pagtatagpuin sa isa pang pagkakataon...