ANDREW – YEAR 2015
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nahulaan ko agad na nasa hospital ako. Hindi naman siguro makukuwestyon ang identity ko dito, right?
Nakakatawa lang na sa sobrang excitement ko nang makita ko si Harry ay nasagasaan tuloy ako nito.
Si Harry!
Bigla kong naalala si Harry. Iginala ko ang aking tingin sa kwarto, at nakita ko naman agad sya. Nakatingin ito sa akin. Si Jake naman ay nakasubsob sa tabi ng kamang hinihigaan ko, naawa naman ako sa kaibigan ko dahil mukhang napagod ito.
Bumalik ang tingin ko kay Harry. May nasense akong kaba at pagkailang sa tingin nya sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya. Gusto kong maiyak... kasi sa panahon na ito ay buhay sya. Wala halos pinagbago sa mukha nya ngayon at sa mukha nya sa future, hindi pala halos tumanda ang kanyang hitsura.
Dito ay buhay na buhay sya.
"H-hi?" alinlangan ang ngiti nito sa akin. Alinlangan din ang kanyang tingin.
"Hello," nginitian ko din ito. Medyo husky pa ang boses ko, gumagaralgal dahil pinipigilan ko ang maiyak. Nahihiyang inalis nito ang tingin sa akin.
Ngayon ay bigla kong narealize na mahihirapan na akong mag-isip ng dahilan kung bakit ko sya sinugod. Sa pagkakaalala ko pa ay natawag ko sya sa kanyang pangalan bago ako mawalan ng malay. Anong ipapalusot ko sa kanya? Alangan namang sabihin ko na galing ako sa future.
Yan kasi, padalos-dalos! Hindi nakikinig sa payo ni Boss Jake.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" malambing ang pagkakatanong nito sa akin. Sya nga talaga si Harry ko. May lambing sa himig ng kanyang boses.
Huminga ako ng malalim.
"Okay na ako. Pasensya na, naabala pa kita dahil sa katangahan ko," sagot ko dito. "Akala ko kasi ikaw yung taong hinahanap ko," paliwanag ko pa dito. May namumuo nang plano sa aking utak na gagawin kong kwento sa kanya, para hindi sya mawirdohan sa akin, at para hindi nya ako malayuan.
Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. May kakaiba sa kanyang tingin. Panghihinayang?
"Hindi ba ako yung hinahanap mo? Kasi bago ka nawalan ng malay, tinawag mo ang pangalan ko. Ako si Harry," paalala nito. Nag-isip ako ng konte bago muling nagsalita.
"Ah, hindi ko lang naituloy. Ang ibig kong sabihin, Harrison. Sya yung hinahanap ko. Nung makita kitang sakay sa kotse, akala ko talaga ikaw si Harrison, kasi medyo kahawig mo pa sya," tuloy-tuloy kong sabi na akala mo'y hindi ako nanggaling sa pagkaaksidente.
"Ahh," sagot nito. Mukhang naniwala sya sa sinabi ko.
"Ako pala si Andrew," inilahad ko ang kamay ko dito. "Nice to meet you Harry," sabi ko pa dito.
"Hi Andrew, nice to meet you too," inabot nito ang kamay ko. Sa oras na nagdikit ang aming mga palad ay parang gusto ko syang hilahin at yakapin at halikan na parang wala nang bukas. Pero syempre, pinigilan ko ang sarili ko. Baka magfreak out sya, at bigla na lang akong layasan at iwasan. Sira ang plano ko kapag ganun.
"Ah, Harry. Pwede ka nang umuwi kung gusto mo, kami na ang bahala dito," paanyaya ko dito. Pero syempre, ayoko pa, kaya lang ay nag-aalala na ako, kasi siguradong pagod na sya. "Halata sa mukha mong wala ka pang tulog. Salamat sa pagbabantay ha?" binigay ko dito ang killer smile ko. Kailangan ko nang magpacute ng magpacute, baka umepekto ang charm ko sa kanya.
Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula nito. Effective.
"Hindi naman pwedeng iwan ko kayo dito. Sasamahan kita hanggang sa makalabas ka. I'm sure, palalabasin ka na rin naman mamaya," paliwanag nito. "Saka takot ko nalang na baka idemanda mo ako," nag-aalala ang kanyang boses.
BINABASA MO ANG
The Future Boyfriend
FantasyDalawang pusong nakatadhana sanang magtagpo... Sa isang pagkakamali ko ay parehong nabigo... Hindi ako makakapayag na muling magkamali, Kaya kahit mapanganib, pinagtagpong muli. Magkaibang lugar at panahon.. Pagtatagpuin sa isa pang pagkakataon...