A/N: Guys, pasensya na, natagalan. You know, busy and all, pero syempre, tatapusin ko pa rin to, I promise.
Stupidoe eto na, nag-update na ako. salamat sa pagtitiyagang maghintay! mwah mwah. haha
ANDREW – YEAR 2015
"Thanks Andy," hinihingal na sabi ni Paul sabay tapik sa aking balikat. Katatapos ko lang tulungan si Paul na magbitbit ng mga gamit nya papasok sa kanyang unit. Nakaupo ako sa isang puting monoblock na isa sa mga huli naming ipinasok.
Hindi ko alam kung anong kalokohan ang naisip ni Paul, pero simula kanina pagkakita nya sa akin, eh Andy na ang itinawag nito sa akin. Ilang beses ko nang sinabing Andrew, pero Andy pa rin ang ginagamit nya. Hinayaan ko na lang.
"Anytime, Paul," sagot ko dito.
Pagkaupo nito sa harapan ko ay biglang bumukas ang pintuan ng kanyang unit.
"Oh, tapos na pala?" puna ni Jake na bumungad sa nakabukas na pinto. Kasama nito si Harry. Lumabas sila kanina, para bumili ng lunch namin. Though alam ko naman talaga na sumama lang talaga sya kay Harry, dahil ayaw nitong tumulong sa aming paghahakot. Natatawang napailing na lang ako nang maalala ko ang pagiging spoiled brat nitong kababata ko.
"Oo, katatapos lang," nakangiting sabi ni Paul.
Habang nagtatanghalian ay panay ang kwentuhan ni Jake at Paul. Mukhang mas mabilis syang nakasundo ni Jake kesa sa akin. Sabagay, wala naman kasing alam si Jake sa nakaraan namin ni Paul. Though alam ko namang hindi ako mahihirapang makapagpalagayan ng loob si Paul, kasi ramdam kong mabait talaga ang Paul version 2015.
"So, Andrew... Anong work mo?" napatingin ako kay Paul matapos akong tanungin. Wala naman sigurong masama kung sabihin ko yung totoo.
"Marketing Head ako sa kumpanya nila Jake," sagot ko sa kanila.
Biglang nasamid si Jake sa aking sinabi. Bago din kasi sa kanya yung mga impormasyong sinasabi ko.
"Pero nagresign na ako," dagdag ko kahit hindi pa naman talaga, kasi nga nadala na agad ako dito ni Zach, matapos yung insidente sa bahay ko.
"Ah, so company owner ka pala, Jake?" interesadong tanong ni Paul. "Anong kumpanya?"
"Dairy products," tipid na sagot ni Jake. Di pa rin ata makapaniwala sa sinabi ko.
"So bakit ka nagresign? Mukha namang maganda ang posisyon mo dun?" tanong muli ni Paul. Napatingin ako kila Jake at Harry, na nakatingin na rin sa akin, at tumigil na sa pagsubo ng pagkain. Halatang interesado sa aking isasagot.
"Ahm, binubully kasi ako ng CEO, which is si Jake nga," sagot ko. "Ipapatapon ba naman ako sa Visayas." Nakanganga na naman si Jake. Katulad nung mukha nya, nung sabihin kong galing ako sa future. Gusto kong tumawa, pero pinipigilan ko.
"Nagtataka nga ako kung bakit gusto nitong mag-apply bilang waiter, eh mataas ang posisyon nya dati," kibit-balikat nitong sabi.
"Sinabi ko na sayo diba?" paalala ko pa.
"Jake, para namang ang bata mo pa, para maging CEO," biglang puna naman ni Paul na ngayon ay nakatingin na rin sa nakangangang si Jake.
"A-ah.. eh.." nauutal na sabi ni Jake. Hindi kasi nya alam ang isasagot. Hindi pa rin naman kasi talaga sya ang CEO sa panahon na ito.
"Wala kasi syang choice," pagsalo ko sa kanya. "May sakit kasi yung Papa nya, kaya kailangang magpahinga na sa trabaho," paliwanag ko.
Biglang naibuga ni Jake ang tubig na iniinom. Tumingin ito sa akin na nanlalaki ang mga mata.... Shit!! Saka ko lang narealize ang impormasyong nasabi ko. Hindi pa nga pala kasi nadadiagnose ang sakit ng Papa nya sa panahon na ito. Wala pa silang kaalam-alam. Malamang na mag-aalala si Jake.
BINABASA MO ANG
The Future Boyfriend
FantasíaDalawang pusong nakatadhana sanang magtagpo... Sa isang pagkakamali ko ay parehong nabigo... Hindi ako makakapayag na muling magkamali, Kaya kahit mapanganib, pinagtagpong muli. Magkaibang lugar at panahon.. Pagtatagpuin sa isa pang pagkakataon...