ANDREW – YEAR 2015
I've been staring at the hotel ceiling. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari sa buong maghapon. Para akong taga ibang planeta na first time nakapunta sa planet Earth. Medyo lost ang aking pag-iisip. Para akong probinsyano na bagong dating sa syudad. Patingala-tingala sa buildings, yung mga bagay na may mga petsa ang nakakaagaw ng atensyon ko.
Kaninang umaga, pagkatapos akong tawagan ni Zach ay tinakbo ko ang daan papunta sa bahay ni Harry at Paul. Mabilis ang pagtakbo ko, pero habang papalapit ay pabagal ako ng pabagal. Parang hindi nagiging pamilyar sa akin ang paligid.
Nang makarating ako ay napanganga na lang ako sa aking nakita. For Sale pa lang ang nakalagay sa bahay. Mukhang kaaalis pa lang ng mga naunang may-ari ng bahay. Bullshit, oo nga pala. Year 2015 pa lang ngayon, at 2017 nang mabili nila ang bahay at lote na fully furnished. Yun din yung year na nagkakilala kami sa bagong tayong Diner na pag-aari pala nya. Bagong lipat pa lang din ako noon. Naaalala ko pa yung mga nangyari. Pumasok ako sa Diner at um-order ng kape. Nang paalis na ako ay nabundol nya ako habang hawak ko ang kape. Hindi naman ako napaso, pero nabasa ang damit ko. Pinunasan nya ang dibdib ko ng kanyang panyo, at panay ang hingi nya ng sorry sa akin. Doon na ako nagayuma sa kanya. Nakatitig lang kasi ako sa mukha nya all the time, habang pinupunasan nya ako. Nasa akin pa actually yung panyo nya. Mukhang bago pa rin, kasi pinapanatili kong maayos ang kondisyon. At katunayan nga ay dala ko ang panyo nya ngayon, isa sa iilang bagay na dala ko mula sa future.
Too bad, boyfriend na ni Harry si Paul noong makilala ko sya. Nakakatawa lang na ang memory na iyon ay hindi pa nangyayari sa panahon na ito, at para akong fortuneteller. Pero babaguhin ko yung memory na yun. I need to.
Pumunta naman ako sa bahay ko na nasa kabilang street lamang. Obviously, bakanteng lote pa lang at hindi pa nakatayo ang bahay. 2016 kasi nang magsimulang ipatayo ang bahay ng parents ko para sa akin. Inisip ko ang whereabouts ko sa ganitong panahon; then it hit me. Narealize ko na wala ako dito sa Cavite. To be exact, wala ako sa Pilipinas, kasi nagtatrabaho ako sa California at this very moment. Well, that's good for me, kasi hindi makakagulo si Andrew from the past. As much as possible, gusto kong iminimize yung gagawin kong pag- alter ng nakaraan, kasi baka gumulo lang sa panahon ko pag nakabalik ako. Baka kasi maging komplikado pag nakita pa ako ng Andrew version 2015. Ang weird na tinatawag ko ang sarili ko in third person point of view.
Kung ako ay nasa California, alam ko naman na nasa Laguna ngayon si Harry, sa bahay nila doon. Shit! Ngayon ko lang naisip, malamang, nandun na din si Paul ngayon, at baka nagkita na sila. Kailangan ko na silang mapuntahan agad! Sa pagkakaalam ko ay nagkita sila nung kamamatay lang ng parents ni Harry. Hindi ko matandaan yung exact date, pero sa tantya ko ay ganitong panahon ang death anniversary ng parents ni Harry. At dahil nasa tabi nya si Paul, kaya mabilis syang nakamove on. Well, dapat this time, ako naman yung katabi nya.
Pero anong gagawin ko, pag nandun na ako? Anong dapat kong sabihin o ipaliwanag? Kailangan kong mag-isip ng plano.
Mabuti na lang talaga at hindi pa nagpapalit ang hitsura ng pera sa panahon ko, kasi nagamit ko pa yung laman ng wallet ko dito. Yung cellphone ko ay weird, kasi hindi pa nalolowbat hanggang ngayon. Hindi ko na kailangan pang icharge. Sa tingin ko ay frozen in time din ito, dahil galing naman talaga ito sa panahon ko. Sa future.
Pero alam kong mauubos ko din ang pera ko eventually. Kailangan kong makagawa ng paraan, para makasurvive. Hindi ko alam kung paano ako sa mga susunod na linggo, kung magsestay ako dito.
Bakit ba kasi hindi man lang ako sinabihan ni Zach ng maayos, nakapag-impake pa dapat sana ako, at nakapagdala ng maraming cash. Actually nakaready na nga pala sa kwarto ko yun eh, kasi pupunta dapat kami sa Cebu, bibitbitin ko na lang sana. Well, wala na akong magagawa andito na ako, hindi ko naman alam kung paano makakabalik. At ayoko pang bumalik kahit malaman ko pa kung paano. Kailangan ko munang makita ang Harry ko. Mabuti na lang talaga at nasa bulsa ko yung wallet at phone ko.
BINABASA MO ANG
The Future Boyfriend
FantasíaDalawang pusong nakatadhana sanang magtagpo... Sa isang pagkakamali ko ay parehong nabigo... Hindi ako makakapayag na muling magkamali, Kaya kahit mapanganib, pinagtagpong muli. Magkaibang lugar at panahon.. Pagtatagpuin sa isa pang pagkakataon...