Pumasok ako sa aking silid. Walang tao ni isa, puro mga bag lang ang nakita ko.
Nasa Rooftop silang lahat. Sa Rooftop gaganapin ang party para sa mga Exchange Students.
Pumunta ako sa Rooftop. Madaming tao. Madaming studyante ang nagsasaya ngunit ang section ko lang ay wala. Ayos lang, hindi naman ako umaasa ng isang party na galing sakanila. Ang gusto ko lang, maramdaman nilang may pakiramdam at may puso din ako.
Nakita ko si Clyde at agad akong pumunta sakanya.
"Yo! Where are your fellas?" tanong niya sakin. Parang walang nangyari sakanya ah. Ag bilis naman makarecover.
"I haven't seen them." sagot ko sakanya.
Tumango lang siya.
Sumandal lang muna ako sa isang gilid. Sa isang gilid na walang tao, walang nakakakita at nakakarinig sakin. This is my life. No colors. No Rainbows, Unicorns and Butterflies. Only SILENCE is my Bestfriend.
"Bonjour!"
"Merci!"
"Merci!"
Nagulat na lang ako ng isa-isang lumapit sakin ang mga naging kaklase ko for 1 week. Meron silang letter na ibinigay sakin. Tagiisa sila. Okay. Okay. Hahaha. Nakakaiyak. -___-
Yung iba, puro "Merci" lang ang sinasabi at yung iba, walang imik kundi bigay lang.
Ang dami kong babasahin. Ang dami ko ring matatapon, pagdating ng panahon.
Ang huling nagbigay ay si Lian. May dala siyang bouquet. Ngumiti siya at ibinigay sakin iyon.
Hindi pala lahat ng studyante dito sa Notre Dame ay walang puso.. Yung iba nagpapanggap lang at yung iba, may puso naman talaga.. hindi nga lang halata.
Pagkatapos nila akong bigyan ng letter.. Nagkumpulan sila sa harap ko at gumuwa ng bilog.
"Darelle Kaye Parker, right?" tanong nung Lee ata yun. Yung inasar asar ako.
Tumango ako.
"First of all, we would like to apologize because we judge you. We're very sorry. We didn't mean it." sabi ni Lee at ngumiti naman lahat sakin yung mga naging kaklase ko for 1 week.
BINABASA MO ANG
Panget Ako! Palag Ka?
AventuraPangit, nakakatakot, weird at di kagandahan. Ilan sa mga iyan ang inilalarawan ng mga nakakasagupa ni Darelle sakanya. Hinahanap niya kasi yung childhood bestfriend niya na nagparamdam sakanya na hindi siya nag-iisa sa mundong ginagalawan niya ang k...