Nadischarge na si Dwican sa hospital at di na rin kami ginambala nung mamamatay taong nurse na yon.
Ilang araw din akong walang notes at di pumapasok. Ewan ko kung ako pa maging valedictorian nito. Baka si Gabriel na nga e.
Umuwi muna ako sa bahay, naligo, nagbihis para pumasok. Paalis na sana ako ngunit napansin kong may scar yung pisngi ni Kuya Niel.
"Kuya Niel, anong nangyari sa pisngi mo?" tanong ko. Ang sungit ng aura niya hindi ko alam kung bakit.
"Natamaan ng ruler." Wow, ruler. Impossible naman yun. Unless matulis talaga tsaka ang lalim kaya e ang ruler, gasgas lang.
"Sigurado ka?"
"Oo. Umalis ka na. Mag-iingat ka." ewan ko ang sungit talaga nya ngayon parang ang bigat ng dinadala. Hindi kaya siya yung.. Aish ayoko..
Nagpababa ako kay Mr. Perez sa may kanto dahil gusto kong lakarin yung school. Nakita ko naman si Dwican na may wheel chair. Di pa ata okay yun.
"Ako na po dyan, Kuya. Ako na bahala kay Dwican." tumango na lang yung body guard niya. Sosyal diba?
"Arte-arte mo. Tumayo ka na lang dyan. Bigat bigat mo." Ang aga-aga nang-iinis ako. Kung kapatid ko to, bully sister na ang tawag sa akin.
"Ikaw kaya saksakin sa may bandang puso? Ako na nga." Weh? Sa may bandang puso un? Kala ko sa ribs.
Pagdating namin sa campus, ang dami ng estudyante ang nagsisiksikan sa bulletin board. Grabe naman. Nawala lang ako ng 1 week, ang dami ng nangyari.
Good thing nakita ko si Berlin.
"Ano meron dyan?"
"Ui! Nandito na pala si Papi Kaede. Okay ka na? Sana mahuli na yung gumawa nyan sayo." nakangiti siya kay Kaede. Ay grabe itong babaeng ito! Ako yung nagtatanong e.
Tinignan nya ako. "Sports Fest Darelle. Be ready. You too Kaede. Pagaling ka kaagad." nginitian niya kami ni Dwican. Sports Fest.. Ang pinakahihintay kong event sa Shin-Getsu Academy. Oh my glob. Kaso pano na kagagaling lang namin sa hospital.
BINABASA MO ANG
Panget Ako! Palag Ka?
AventuraPangit, nakakatakot, weird at di kagandahan. Ilan sa mga iyan ang inilalarawan ng mga nakakasagupa ni Darelle sakanya. Hinahanap niya kasi yung childhood bestfriend niya na nagparamdam sakanya na hindi siya nag-iisa sa mundong ginagalawan niya ang k...