"Seryoso ka?!" Napatingin yung mga nagsasayaw na malapit samin.
Tumawa siya.
"Of course not. Ang cute mo palang magulat. Hahaha. Thank you, by the way. Im just kidding." Aba loko to ah. Kundi lang to mas bata sakin baka kanina ko pa nakonyatan! Dahil kung totoo, talaga yun.. Ipaglalaban ko na talaga tong nararamdaman ko kay Haguines.
"Be ready, last 3 songs before the night ends." Sabi nung MC. Hinatid na ako ni Alessandro sa table ko.
"Kaloka ka girl! Bagay na bagay sayo yang black and red na gown mo. Nagmukha kang babae. Naalala ko yung anime sayo na si Sunako Nakahara at Sawako sa Kimi ni Todoke. Hindi ko akalain na ikaw yung magiging Prom Queen, tignan mo yung mga mata, nasayo lahat." Sabi ni Cher. Natawa na lang ako.
Pinatugtog yung The One That Got Away. Kakaupo ko pa lang at magtatanggal na sana ako ng sapatos ng hatakin ako ng isang lalaki na nakablue coat sa photo booth. Bastos to ah. Buti walang nakapila, kundi baka bumalik ako sa table ko. Guess who kung sino ang napakagentleman na lalaking humila sakin. Sino pa ba? Edi si Hampas lupa. Tss. Pwede namang magpaalam na lang.
"Isa pang shot." Sabi nung nag-aassist. May kung anong kinuha siya dun sa lagayan ng props. Isinuot niya sakin yung crown ng Queen at may hawak siyang.... "I Love Her " hindi ko alam pero napawi lahat ng inis ko sakanya. Ang cute din pala nitong maglambing.
"Thank you." Kinuha niya yung pic at umalis na aba ang gentleman talaga! Hinatak ko yung coat niya.
"Hindi ako lubid na kapag may kailangan, tsaka lang hihilahin." Sabi ko sakanya at umalis na. Bad trip pa rin talaga ako.
"Last 2 songs" pinatugtog yung Bring Me The Night. Napatigil ako. Putres. Naalala ko siya. Naalala ko si Dan. Punyeta. Itigil niyo ang kantang yan! Ayokong marinig yang kantang yan ng walang sumasayaw sakin, ng walang Dan na naglalahad ng kamay niya at inaalok ako na sumayaw. Hayop!
Lahat ng upuan, bakante. Miski na yung table namin. Ako na lang ata ang walang kasayaw. Pati nga ata siguro yung mga walang kasayaw na lalaki e sinayaw na yung mga teachers. Fuck.
"May I have thi--"
"Hands off, bro. Pero ako ang nauna."
"Anong ikaw ang nauna? Hindi ba naturo sainyo ang etiquette sa prom?" Nag-aaway sa likod ko si Gabriel at Gavin. What the hell. Ngayon pa!?
"Tss. You never learn."
"Look, may last dance ka diba? Bakit hindi iyon yung isayaw mo, Dayne?"
"Yeah, you're right because this time, I can't let this girl dance with another man because this girl is already mine. Now, shut the fuck up and find a partner that will complete your night." He let out a loud smirk. What? So ano? Hindi niya ilalast dance si Kenniedy? Ibig sabihin, palabas lang ang lahat? Palabas lang yung nangyari nung Valentine's Day? Oh c'mon. Don't make me feel stupid like a shit!
"To my prom queen.. Care to dance with me until the last song ends?" But then.. Naspeechless ako sa mga sinabi niya kaya napa-oo na lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.
He's hands were on my waist and my hands were on his neck. We're dancing like there's no forever. Ay nyemas, wala talagang forever no!
We're one inch apart to each other because it's on the etiquette that if you two dance on the dance floor, you should be one each apart to each other.
BINABASA MO ANG
Panget Ako! Palag Ka?
AdventurePangit, nakakatakot, weird at di kagandahan. Ilan sa mga iyan ang inilalarawan ng mga nakakasagupa ni Darelle sakanya. Hinahanap niya kasi yung childhood bestfriend niya na nagparamdam sakanya na hindi siya nag-iisa sa mundong ginagalawan niya ang k...
