"Wag mo kong i..iwan." sabi niya.
Hala. Ang init niya talaga.
"Ui, may masakit ba sayo? Gusto mo tumawag ako ng doktor?" nagaalala kong tanong sakanya.
"Lalamunan. Ayoko sa hospital." sagot niya sakin na medyo paos. Ano nanaman kayang kinain nito?
"Anong kinain mo?"
"Blueberry Cheesecake, Sundae, Mango Parfait." Sabi niya sa paos na boses. Oh! Galing! Dinaig pa ang pumunta sa Concert. Walanjo. Hindi ako binigyan. Napakadamot.
"Sinong may sabi sayong ubusin mo yung Blueberry Cheesecake? Ni di ka man lang nagbibigay. Ayan, nakarma ka tuloy!" sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Buti nga sakanya! Nang manahimik na siya. :P
Napaupo siya sa pagkakahiga at tinitigan ako. Nakakasilaw. Nakakatunaw. Mamatay na sana siya. Nakakanose bleed. TT__TT
"Kaysa naman ikaw yung magkasakit" Psssh. Mabuti nga 'yon. Malaya ako sa mga pambubuska ng mga taong nakapaligid sakin.
"Ah tsk. Nagugutom ka na ba? Wag ka ng tumayo. Magpahinga ka na lang. Tsaka tignan mo, pawis na pawis ka. Magpalit ka, baka matuyuan ka, lumala pa yan." sabi ko para Change topic. Mamaya kung san pa mauwi e. Pero pawis na pawis? Naka-aircon na nga e.
Isa-isa niyang tinanggal yung pagkakasuot ng botones sa damit niya.
I don't wanna be a girl again. No. I KENAT. My virgin eyes.
Agad naman akong tumalikod at aalis na sana.
"Ui, wag mo kong iwan. *cough *cough" pagpipigil niya sakin. Anong gagawin ko? Haharapin ko ba? :O
"Hala. Ui. Nagugutom ka na ba Gabriel? Anong gusto mo?" natataranta kong tanong kahit nakatalikod parin.
"*Cough *cough Dito ka lang. *Cough *cough Harapin mo ko." Ang lakas ng heart beat ko. Ano ba! Haharapin ko ba ang isang nilalang na kagaya niya kung matutunaw naman ako? >_<
Huminga ako ng malalim at hinarap na siya.
BINABASA MO ANG
Panget Ako! Palag Ka?
AdventurePangit, nakakatakot, weird at di kagandahan. Ilan sa mga iyan ang inilalarawan ng mga nakakasagupa ni Darelle sakanya. Hinahanap niya kasi yung childhood bestfriend niya na nagparamdam sakanya na hindi siya nag-iisa sa mundong ginagalawan niya ang k...