Naglakad-lakad ako papuntang park kaso naramdaman kong may sumusunod sakin. Edi sumunod. Tapon ko siya sa universe e. Tsk. -_-
"Hi Miss." Hindi ko siya pinansin kasi alam kong rapist at manyak siya.
"Ang sungit mo naman Miss." sabi niya at bigla niyang hinawakan yung braso ko. Okay. Lasing. Sisiw lang.
"Ano bang problema mo!? Basag mood ka ah." Nakabali ata ako ng buto. Ang lakas ng tunog e. Baka nacrack na. Ang sama ko nanaman.
"Aray. Tama na." sabi niya.
Walang tama na-tama na sa taong naiinis kaya wala akong pake kung nabalian ko man siya ng buto o kung ano.
"Paglasing ka kasi, wag kang magbibiro lalong lalo na sa mga multong kagaya ko." humarap ako sakanya at tinakot siya.
"Ahhhh! Multo! Tulungan niyo ko! May multo sa parke! Ahhh!" paika-ika siyang tumakbo palayo. Bigla naman akong napangiti sa ginawa ko. Manakot daw ba?
Naramdaman kong may pumatak galing sa langit. Edi maganda, umuulan. Wala na e. Yung payong ko nasa bag nung walangyang yun. Iniwan niya ako kaya maglalakad na lang talaga ako. Hindi na kasi yun babalik. Hindi na :(
Walang masyadong tao dito sa parke. Puro mga magshota lang na gumagawa ng lagim.. Alam niyo na.. gabi na kasi.
Umupo muna ako sa isa sa mga bench dun. Katulad nga ng mga cliché na storya dito sa Wattpad, magdadrama ako. Syempre, hindi ko gagawin yun!
Naalala ko lang yung huling kita namin ni Nicho dito. Dito siya nagpaalam sakin. Dito niya ako iniwan..
Minsan talaga ang sarap umiyak sa ulan lalo na kung ikaw lang mag-isa.
Pasensya na Readers kung nagiiba na ang takbo ng storya pero hindi naman kasi lahat ng matatapang sa labas, matapang rin sa loob. Kaya pagpasensyahan niyo na ako.
Mga ilang minuto rin akong nakaupo dun sa bench. Mas lumalakas na rin ang ulan.
BINABASA MO ANG
Panget Ako! Palag Ka?
AdventurePangit, nakakatakot, weird at di kagandahan. Ilan sa mga iyan ang inilalarawan ng mga nakakasagupa ni Darelle sakanya. Hinahanap niya kasi yung childhood bestfriend niya na nagparamdam sakanya na hindi siya nag-iisa sa mundong ginagalawan niya ang k...