"Good Morning, Darelle!"
"Fighting, Darelle!"
"Good Luck po, Ate! Wag po kayong susuko"
"Have a great day, Ms. Parker!"
Kaliwa't kanan ko yang naririnig. Seriously, what the hell is happening? Nginitian ko na lang sila bilang tugon.
"Excuse me, Miss. Where is Class IV-A located?" nilingon ko ang babaeng nagtanong at napanganga ako sa ganda niya. Ngayon lang talaga ako nagandahan sa isang babae. MAputi siya at medyo singkit. May pagkared ang buhok at mahaba ang pilik-mata. Malayong-malayo sa itsura at mukha ko.
"So you're in Class IV-A? I'll show you where it is located." Inglisera. Jusme. Bilang isang top student ng Shin-Getsu Academy, kailangang magpakitang tao kapag may bagong studyante o bagong mukha sa Campus. Badass. Biro lang. Responsibilidad ko naman talaga yun.
"Miss, ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya sakin habang nakangiti. Para siyang babaeng version ni Kyohei Takano sa Yamato Nadeshiko. Nagtatagalog naman pala siya. Pinahirapan pa yung Monday morning ko.
"Darelle." sabi ko.
"Nice to meet you, Darelle. By the way, I'm Kenniedy. I'm just a rookie here. That's why I don't know where my classroom. is located. Hehe." Wow. Tumatanggap pa pala transferees yung school namin kahit January na.
"Hi, Kenniedy! So bakit ka nga pala lumipat. Sorry ah. Curious ako." Be friendly in this kind of situation, Number 1 ang rule na yan dito.
"May boyfriend kasi ako dito. Matagal-tagal na rin kasing di kami nagkakasama kaya ayun. Alam mo naman, mahirap ang Long Distance Relationship." sabi niya. Nakakatuwa naman tong babaeng 'to. Sinundan niya pa yung boyfriend niya dito. Nakakainggit. Aish. Tama na nga.
"Nandito na pala tayo sa Class IV-A. Magenjoy ka ah! Nice to meet you again." pinagbuksan ko siya ng pinto at ang laki ng ngiti niya nung nakita niya yung mga studyante na nandito. Siguro nandito yung boyfriend niya?
BINABASA MO ANG
Panget Ako! Palag Ka?
AventurePangit, nakakatakot, weird at di kagandahan. Ilan sa mga iyan ang inilalarawan ng mga nakakasagupa ni Darelle sakanya. Hinahanap niya kasi yung childhood bestfriend niya na nagparamdam sakanya na hindi siya nag-iisa sa mundong ginagalawan niya ang k...