Kabanata 20

20.6K 233 31
                                    

SOMEONE'S POV

Kyaaa! Nakabalik na sila! Nakabalik na si Kuya Nicho. Nakabalik na din si Ate Dap. 

Ang bilis mapost ng picture nila sa Bulletin Board. Teka! Sino ako? Nacucurious ba kayo?

When I was a kid, I'm a certified DaRiel fan. Kahit anong ipagawa sakin ni Kuya Nicho, gagawin ko dahil kapatid ko siya. Kahit pagpapanggap niya pa, hinding-hindi ko ilalaglag. Oops. Hihihi. :D

Isang taon lang ang tanda sakin ni Kuya Nicho. Di ko alam kung natatandaan pa ako ni Ate Dap. Nung bata pa kasi kami, sumasali ako minsan sa laro nila pero ewan ko ba. Minsan nga naiinggit na ako kasi sobrang close nila sa isa't isa, yung tipong okay pang magsilipan sila. Hahaha! :D

 Naglalakad ako sa Corridor ng mauntog ako sa isang tao. Ang tigas naman nun. Ang sakit sa ulo. -___-

"Sorry, hindi ko sinasadya." sabi ko habang hinimas himas ang ulo ko.

"Are you blind!?" Grabe naman. Nagsorry na nga ako. 

"Nagsorry na nga po e." sabi ko. Nakakainis.

"Tch. Shut up." Nagsorry na nga diba?!! Nakakataas ng dugo 'tong lalaking 'to! Kung hindi lang 'to gwapo! Tch.

"Chill. That's my sister." si Kuya Dan. ^____^

"Kapatid mo? Ang kulit ah. Di nagmana sayo. Tss." sabi nung lalaki kay Kuya Dan.

"Kalma. Ganyan talaga 'yan. Bunso e. Wag mo ibaling sakanya. Wala ka na sa Paris, Clyde." sabi ni Kuya Dan sa lalaking yun. Pssh. Buti na lang talaga nandito na si Kuya Dan. :D

"Manahimik ka na nga lang Lyndon. At ikaw bata ka, hindi pa tayo tapos." inis niyang sabi at umalis na.

Anong hindi pa tapos? O___O

Lumapit ako kay Kuya Dan.

"Hay nako. Ikaw talaga, bat ka nandito? Diba dapat nasa Building C ka? Tsk. Ikaw pa talaga napagbuntungan ng galit ni Clyde." sabi sakin ni Kuya Dan at ginulo yung buhok ko.

"Masama bang mamiss si Kuya Dan at si Ate Dap? Masaya lang ako kasi nakabalik na kayo. Hihihi. Yie. Anong ginawa niyo dun? May nangyari ba?" Tanong ko sakanya. Malay niyo naman diba? :)

"Ang bata-bata mo pa para dyan. Bumalik ka na sa building niyo. Malate ka pa." sabi niya. Pssh. Hindi nagshe-share!

"Hindi na ako bata! Ilang months na lang kasing edad na kita!" sabi ko at nagbelat sakanya sabay alis. Nakakainis. Porke ba isip-bata ako, bata na rin kaagad ang turing nila sakin? Pssh. -___-

Ako si Kieren Felise Sandoval. Hindi na ako bata para maging isipbata! Tandaan niyo yan!

Darelle Kaye's POV

"We need to practice thrice a day in a week. Ang Chiu Academy ang makakalaban natin sa Finals kapag nakapasok tayo at Frenschia Academy naman ang una nating makakalaban. We need to practice, win or lose." Our coach said. What?! Chiu Academy?!  Yung school na walang alam kundi talunin kami. Ano ba yan. Sila naman laging nananalo lalo na pagwala ako. Pero this time, hindi ko na papalagpasin pa. Lalaban kami. 

"Coach, kailan po ba ang laban na yan?" tanong ni Jasrine na kateammate ko rin, siya yung Blocker namin nakalimutan kong ipakilala. :)

"This coming January." January pa tas puspusan na agad ang practice?! Agad-agad!? Next year pa naman ah.

 "Coach naman. November pa lang naman ngayon ah." 

"Mas maganda pagmas maaga. Now go back and practice!" sabi ni Coach. Tsk. Bahala na nga. Nakakainis.

Panget Ako! Palag Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon