Gabriel Dayne's POV
Hindi ko alam kung paano simulan kasi nagulat ako na nagresponse siya sa paghalik ko sakanya. Mali ba yung ginawa ko?
"Ah.." Mas lalong bumigat yung atmosphere ng sabay kaming magsalita.
"Ikaw muna." sabi ko.
"Hindi, ikaw muna." sabi niya. Nakakahiya naman to. Ang tanga ko lang kasi. Bakit ko pa siya hinalikan? Nahihiya tuloy siya sakin.
"Ikaw muna." Hindi siya makatingin ng diretso sakin. Haha. Namumula siya. Ang cute.
"Ah.. ano kasi..." Hindi siya makapagsalita ng maayos. Sobra ata siyang nashock sa ginawa ko.
"Kadiri ka! Ew. Pwe! Kadiri." inis niyang sabi. Ayan nanaman siya. Akala ko nagtagumpay na ako sa misyon ko. Hindi pa pala. Mukhang kailangan ko na ng tulong ng mga kaclose niya.
"Kadiri daw pero nagresponse siya." inaasar ko siya. Ang cute niya kasi tas namumula pa. Siguro pagnasabi niya na yung salitang "kilig", dun ko na malalaman na nagtagumpay nga ako.
Wala siyang imik.
"Bat hindi ka makatingin ng diretso?" Inilapit ko yung mukha ko sakanya.
"Ano ba, Gab. Layuan mo ko." Nakayuko niyang sabi.
"Sagutin mo muna ako, bakit hindi ka makatingin ng diretso?"
"Eh basta! Layuan mo muna ako."
"Ayoko."
"Layo sabi."
"Ayoko. Hangga't hindi mo sinasabi yung dahilan."
BINABASA MO ANG
Panget Ako! Palag Ka?
AventuraPangit, nakakatakot, weird at di kagandahan. Ilan sa mga iyan ang inilalarawan ng mga nakakasagupa ni Darelle sakanya. Hinahanap niya kasi yung childhood bestfriend niya na nagparamdam sakanya na hindi siya nag-iisa sa mundong ginagalawan niya ang k...