Kabanata 64

902 29 4
                                    


Guess who's the Valedictorian and Salutatorian? We're going on a trip to Tagaytay! Yes. This is it.

We were about to conquer the world. March 31 feels so fine. Walang epal, walang siraulo, at higit sa lahat, nakagraduate ako ng malinis ang aking hangarin. Yes, Im the Valedictorian and Gabriel was the Salutatorian. Akalain mo yun. Natalo siya ng isang babae? Hahaha. Such a loser.

May Rest House kami sa Tagaytay. Mansion din ito kaso exclusive lang yun samin. Minsan ginagawang tourist kasi makikita mo yung overlooking sa Taal kaya kami kumikita.

"We're here!" Kasama ang buong tropa. Halos lahat nandito. Pagkapasok ko, nagulat ako kasi nandito sila Sebastian, Ucheza, Kieren, Alessandro, at iba pa, even Gavin. Madami sila. Parang yung mga tao na naging parte ng school year ko ay nandito. May mangyayari bang kakaiba mamaya? Biglang napadaan si Kuya Aki.

"Bakit ang daming tao dito? Akala ko ba exclusive lang?" Nakapagtataka.

"Oo, exclusive lang para sa mga nakakaalam. I mean, get ready mamaya. May surprise kami nila Auntie sayo. Ang galing mo kasi, celebration lang." Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niyang exclusive lang para sa mga nakakaalam. May hindi ba talaga ako nalalaman?

"Nagdala ka ba ng mga nakakadiri at nakakatakot na bagay at nilagay mo dito sa bag mo kaya sobrang bigat?" Si Gavin.

"Sino bang may sabing buhatin mo yan?" Naiinis ako. Kumukulo yung dugo ko. Magkakaroon ata ako. Nakawhite pants pa naman ako. Fucking sht. Bakit ngayon pa? Kung kailan naman puro panty liners lang itong dala ko. Sana man lang may all-night akong nahagis sa luggage ko.

"Sungit. Gumanda ka lang e. Valedictorian ka lang e. Hay."

Pumunta ako sa kwarto ko. Ang lawak pala nito. Kadaroom, may dalawang kama. Para talaga siyang resort pero exclusive lang.

Natatanaw ko yung Taal Lake sa Veranda. Ang hangin, nakakarelax.

Lumabas ako kasi parang init na init ako. Ang init ng pakiramdam ko. Para akong sasabog pero ang lamig naman ng paligid ko. Kumuha ako ng tubig sa ref.

"Darelle..." Lumapit sakin si Gabriel at ipinulupot niya sa bewang ko yung jacket na dala niya kanina. Wait... Wag mong sabihing...

"Babe, may tagos ka." Bulong niya sakin. Lalong nag-init yung katawan ko nang tawagin niya akong Babe, at the same time.. May tagos ako.. What? Shit!

Oo, MagMU palang kami ni Gabriel. Hinayaan ko siya. Gusto niya daw manligaw e. Nakagraduate naman na ako kaya pwede na. Ipinaalam ko na rin kila Mama at Papa. Hindi kami pero may tawagan.

"What the hell. Are you serious?" Nahihiya ako. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko.

"Im hella serious. Lalagyan ko ba ng jacket ko yang bewang mo kung wala? Be careful, okay?" Aish! Nakakainis! Sabi na e. Ramdam ko na talaga na meron. Bakit pa kasi white yung naisipan kong isuot. Porke ba naging babae na nung prom, babae na rin agad ngayon?

Nagtanong-tanong ako sa mga girls kung may dala silang extra. Kahit na sa kinaiinisan ko pang babae sa mundo, tinanong ko din kaso lahat sila mga wala. Nakakabad trip! Imposible namang wala silang dalawa e isang buwan kaming nandito sa Resort na to! Lalong umiinit ulo ko. Buti na lang napadaan si Kaede.

"Hoi, kambal. Favor nga."

"Ano?" Natawa siya lalo nung binulong ko kung ano yung favor. What the heck. Nahihiya na tuloy ako.

"Someone already did that. Don't worry. He will be here after five minutes." Nahihiya pa rin talaga ako kahit na kambal ko siya. Ewan ko ba. Feeling ko masamang araw ngayon e. Nabibwisit na ko.

Panget Ako! Palag Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon