Kabanata 24

18.9K 221 28
                                    

Packing Tape. Naurong ang Relaxation ko. Argh. ¬__¬

Laban na pala ni Clyde bukas. Bakit ang bilis? Ibigsabihin.. unting kembot na lang, laban na rin namin? Nakakainis. Wala pa akong natututunan ni nagagawa sa Volleyball kahit sabihin niyong ako yung Captain Ball. Nakakatamad kaya. Puro pasahan ng projects tas malapit na rin ang Exam. Walang pahinga. At ito pang isang bubwit na 'to na pinaglalaruan lang ang buhok ko. -___-

Sabi kasi ni Auntie, isama ko na lang daw siya manuod ng practice ni Clyde at Hampas lupa  Mukha akong babysitter. Dapat nagbabasa ako ng libro ngayon o kaya nanunuod ng Insidious 2. Matagal ko ng hinihintay mapanuod yung Insidious 2 kaso wala akong time. </3

At isa pa rin tong isip bata na kasama ko, si Kieren. Puro naman bata kasama ko, mas lalo akong nasisilaw. Teka, bat nga ba nandito si Kieren? Ako lang ang pinasama ni Clyde dito ah.. Hmmm.. Smells fishy.

"Ate Dap! Tsaka ko na ibibigay yung ibibigay ko sayo. Sa pagalis niyo na lang. Hihihi." Pinaalala niya pa. Ewan ko ba, parang gusto ko ng makita yung ibibigay nitong batang 'to sakin. Porket tungkol kay Nicho e..

 Tumango ako at tinanong siya. "Bat ka nga pala nandito? Nagrereview ka dapat kasi malapit na ang exam."

"Ah.. Eh.. Kasi.. Uhhm.. Kasi nandito ka?" Hahaha. Tinanong niya pa ang sarili niya. Alam na.

"Ows? Baka si Clyde lang ang pinunta mo dito ah?" Bigla siyang namula sa sinabi ko. Hala?

 "Ha? Hindi ah! Siya este ikaw nga ang pinunta ko dito e." Nagaalinlangan ang bata. Minsan talaga ang sarap mangbully lalo na kung ikaw yung nabubully.

"Ikaw ah. Aminin mo na." sabi ko. Halata naman kasi sakanya.

"Hala. Ate Dap naman. Nilalaglag mo ko e." Bigla kong narinig yung tawa ng bubwit na nasa lap ko. Kita niyo, pati siya natawa. Galing ko kasi manghula. May kakaiba kasi sa kinikilos ni Kieren kaya nahulaan ko kaagad.

"Isa ka pa Dale! Bad!" Pati bata dinamay niya. -__-

"Ano? Totoo ba? Aminin na." sabi ko sakanya at ngumiti.

Tumabi siya sakin at bumulong "Oo na pero quiet ka lang kay Kuya Clyde ah?" Bigla siyang namula. Hahaha. Lumalandi na 'tong batang 'to. Lagot siya sa Kuya niya. Tsk.

Panget Ako! Palag Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon