Last practice na namin ngayon at hanggang 6:30 kami sa Gym.
Tumawag si Kuya Niel sa phone ko.
"Yes?"
[Sabay ka na lang kay Gabriel. Wala yung driver niyo.]
"Bakit? Asan nanaman si Mr. Perez at Mr. Domingo?"
[Nakaleave sila. Day-off.]
"Okay."
[Bye. Take care.]
Bakit naman kasi every friday nakaleave yung dalawa. Magcocommute na lang ako.
"Back to the net. Come on. Come on." sabi ni Coach. Nakapamewang na ung iba pati ako. Nakakailang laro na kami, hindi pa rin nananalo ung team namin. Ganun ba talaga maglaro yung Chiu Academy?
Atlast, nanalo din kami sa last round. Ang hirap. Para kaming nilalampaso ng isang oso.
"Kaye, andyan na sundo mo."
Napatingin ako pintuan ng locker area. Nakasandal siya dun. Nakasuot siya ng varsity jacket. Malamig ba?
"Wag ka ng magbihis, Kaye. Kasama mo naman si Babes. Alis na. Shuu. Babye. Ingat." Grabe sila. Pinapaalis na agad ako e di pa nga ako nakakapagjogging pants man lang. Tss.
"Aga mo." naglalakad na kami palabas ng Shin-Getsu Academy.
"Tagal mo." Quarter to 7 lang naman kami natapos. Matagal pa ba yun?
"Bat di mo kasama driver mo?" Oo nga naman.
"Coding." Malas. Hahaha. Friday pa.
"Girlfriend mo?"
"Di ko girlfriend un. Kinulong ko." he smirked.
BINABASA MO ANG
Panget Ako! Palag Ka?
AventuraPangit, nakakatakot, weird at di kagandahan. Ilan sa mga iyan ang inilalarawan ng mga nakakasagupa ni Darelle sakanya. Hinahanap niya kasi yung childhood bestfriend niya na nagparamdam sakanya na hindi siya nag-iisa sa mundong ginagalawan niya ang k...