Kabanata 58

1.4K 49 7
                                    

Ang bilis ng panahon. February na at walanjo. Play na namin. Oo nga, February na pero hindi ko pa din nahuhulaan yung mga taong nasa paligid ko kung sino at ano sila. Grabe ano?


Masayang nagkikwentuhan ang mga diwatang kababaihan nang biglang may mga di pangkaraniwang kalalakihan ang biglang dumating para guluhin sila.

"Teka! San niyo kami dadalhin? Anong kailangan niyo samin?"


"Gwapo sana, epal lang talaga. Tss." Bulong ni Tania-Tina na narinig ng isang lalaki kaya naman mas higipitan ang hawak sakanyang braso.


"Bitawan niyo nga kami! Ahhh! Inang Reyna, isalba niyo kami!"

"Isang kalapastanganan! Sino ang nagpadala sainyo upang bihagin ang mga alagad ko? SINO!?" Nanlilisik na mata na sagot ni Queen Rella-Hera


"Wala kang pakealam!" Sagot ng isang alagad ng Hari.

"Ah ganon? Kailan ka pang natutong sagut-sagutin ang mga may mataas na posisyon sayo? Sa pagkaka-alam ko, ikaw ay isang alipin!"


"Dalhin ang Inang Reyna! Masyado silang madadaldal. Hindi kinakaya ng aking mga pandinig!" Kalmadong nagpasama si Inang Reyna patungo sa kaharian kung saan napalilibutan ng maiitim na usok na animo'y mapapaatras ka kapag ika'y pumasok sa loob.


"Ikaw pala ang nag-utos sakanila na dakpin ang mga alagad ko. Sino ka sa inaakala mo? Bakit kailangan mo pang bihagin ang mga inosenteng nilalang na mayroon ako!?" Hindi umimik ang Amang Hari bagkus ito ay ngumisi.

"Tao ka ba? Wala kang puso. Ano bang ginawa nila sayo?"

"Hindi mo ba ititikom yang bibig mo? Kanina ka pa salita ng salita! Tignan mo ang mga pulubing nasa tabi mo, wala silang magawa. Paano kaya kung may gawin ako sakanila isa-isa?" Nakangising umiikot ang Hari sa Reyna

"Hangal! Idadamay mo ang mga inosenteng nilalang na yan? Ano bang atraso namin sayo tsaka sino ka ba? Nananakot ka pa dyan, ni hindi mo nga maipakilala ang sarili mo." Natatawang sagot ng Inang Reyna.

"Hindi mo ba nakikilala, Inang Reyna? Ako si Amang Hari ang dapat mong pakakasalan ngunit mas pinili mong mapag-isa, tama ba?" Hari ng kagwapuhan este kalokohan.


"Hindi pa rin kita maalala, sa pagkaka-alam ko, hindi sakim ang pakakasalanan ko noon." Sabi ko.

"Kahit kailan hindi mo talaga ako nagawang alalahanin. Iniwan mo nga ako sa ere nung mga panahong kailangan kita. Hinanap kita ngunit anong napala ko? Wala. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin pero hangga't hindi namamatay ang taong gustong agawin ka mula sa akin, umaasa pa rin akong buhay ka." Teka, real talk na ba to? Alam kong wala to sa script pero seryoso ba siya? Fudge. Adlib. Hindi ko to alam.


"Ngunit hindi talaga kita maalala. Anong pakay mo at bakit ka pa bumalik?" What the heck.

"Nandito ako upang protektahan ka ngunit dahil nga sa hindi mo ko maalala, papatayin na lang kita."


"Isa kang hangal! Gusto mo bang magpatayan tayo sa harap ng mga alagad ko at alagad mo?"

"Kung iyon ang gusto mo, sige." Nginitian niya ako. Okay, the game will begin.

Panget Ako! Palag Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon