Nagising ako. Puting ceiling, puting pader, puting ilaw, puti lahat. Patay na ba ako? Pero bakit ako nandito? Anong pangalan ko? Wala akong matandaan. Ang alam ko lang na lugar at pangalan ay ang Japan at si Dan. Pero sino siya? Anong lugar ang Japan?
"Sino ka? Sino ako?" May babae na nakaupo sa couch sa tabi ko. Hindi ko alam pero malapit ang loob ko sakanya.
"Ikaw si Darelle. Ako ang pinsan mo. Jaz ang pangalan ko."
"Bakit ako nandito? Anong lugar to? Wala ba tayo sa Japan?"
"Wala ka ba talagang maalala ni isa?" Tanong niya sakin.
"Wala. Hindi ko alam kung sino ako. Hindi ko alam kung anong nangyari. Sino si Dan?" Sino ba talaga yon? Bakit yung pangalan lang na yun yung maalala ko?
"Kahit isa?"
"Ang alam ko lang, nakatali ang bibig at kamay ko. Nasa basement ako, madilim, wala akong makita. Nakarinig akong putok ng baril. May yumakap sakin at... ahhhhhhh!" Ang sakit ng ulo ko! Hindi ko na kayang mag-isip. Wala na ang buong ala-ala ko. Si Dan na lang ang natira. Sino ako? Anong meron sa Japan? Bakit may putok ng baril? Bakiiit?! Ahhhhhhh!
--
Matagal akong ipinagamot dito sa New York. Ilang taon din ang nakalipas. Madaming gumugulo sa isipan ko pero isang tao lang ang gusto kong hanapin. Isang tao lang ang gusto kong makita, yun ay si Dan. Ikwinento na sa akin lahat ni Jaz ang nangyari at masasabi ko nga na nakakatrauma ang mga pangyayari.
Umupo ako sa Cafeteria nang lumapit sakin ang isang grupo ng mga kababaihan.
"Hoy, umalis ka nga dyan. Isa ka lang rookie kaya hindi ka nararapat na umupo sa pwestong yan." Sabi ng isa na mukhang leader nila.
"Bakit? Hindi ba pwedeng umupo ang isang transferee na kagaya niya sa pwestong to? Kala niyo kung sino kayo. Isa lang naman kayong grupo na walang alam kundi manghusga ng kapwa niyo." Isang magandang babae ang sumulpot bigla sa harap ko.
"At sino ka namang babaeng haliparot?"
"My name is Wenona and I'm the first honor of the batch and you are?" Ibig sabihin siya yung pinakamatalino sa lahat?
"Oops, girls. Mali tayo ng binangga. Sayang kundi nya nakita itong panget na to.. Whatever. Let's go." Sabi nung mga kababaihan. Haaaay.
"Okay ka lang ba?"
"Ah? Oo. Thank you."
"Ako nga pala si Wenona. Wenona Conception." Nakipagshake hands siya sakin.
"Darelle Kaye Parker."
Naging magkaibigan kami ni Wenona hanggang sa nataasan ko siya sa honor-all top 20. Naging magkakumpetensya kami pero wala naman naging away sa aming dalawa dahil nga itinuturing naming kapatid ang isa't isa. Isang hapon naglalakad ako papunta sa bahay ni Wenona dahil finals na.
Nakakita ako ng grupo ng kalalakihan na nakapalibot sa isang lalaki na duguan. Gusto ko sanang tumigil kaya lang.. Ayokong mapahamak. Ayokong mangyari yung tulad ng dati. Pero hindi ko maiwasan. Hindi ko alam para bang may kung anong nagtutulak sa akin na tulungan yung lalaking yun.
Nakita kong umalis na yung mga lalaki, nang makalayo sila ng unti, nilapitan ko yung lalaki at duguan siya sa likod. May punit ang kanyang damit at mukhang malubha ang mga sugat niya.
BINABASA MO ANG
Panget Ako! Palag Ka?
AdventurePangit, nakakatakot, weird at di kagandahan. Ilan sa mga iyan ang inilalarawan ng mga nakakasagupa ni Darelle sakanya. Hinahanap niya kasi yung childhood bestfriend niya na nagparamdam sakanya na hindi siya nag-iisa sa mundong ginagalawan niya ang k...
