14
It has been two hundred and forty nine days eversince I went back from Italy. Magmula noong makauwi ako ay wala ng binanggit si Kuya tungkol sa nangyari. We told our parents that I just got tired of studying there. Kung sabagay ay tatlong buwan lang ang itinagal ko sa Italy. Wala ng kahit na anong sinabi sila Papa dahil mas gusto naman na dumito na lang ako.
I am already working at Auntie Iris's architectural firm. Fortunately, my job is helping me get over with my stupidity. Kahit papaano ay naaliw na ako. But don't get me wrong. I still think of him. Always. Hindi na yata magbabago iyon. Seven is a part of me and I will never forget him.
Naglagay lang ako ng kaunting lip gloss bago ako dumiretsyo sa baba. Wala akong pasok ngayon pero kailangang magising ng maaga dahil uuwi si Kuya Caius. Hindi ko ba alam kung bakit kailangang maghanda, parang isang oras lang ang layo ng unit niya sa village namin eh.
"Morning Ma." Bati ko dito. Hinalikan ko ang pisngi ni Mama bago yumakap sa beywang niya. Mama kissed my hair bago niya pinagpatuloy ang pagluluto.
"Si Papa?"
"Nasa labas, hinihintay si Caius." Sagot ni Mama. Inamoy ko iyong sauce ng spaghetti at muntik na akong maglaway. Ang galing talagang magluto ni Mama!
"Pag natapos ito, maghatid ka sa mga Auntie mo ha? Lalo na kina Avvi. Wala yata silang ulam kasi may sakit si Manang. Walang magluluto sa kanila." Utos ni Mama sa akin. Masigla lang akong tumango at pinanood ulit siya.
I just sighed. My Mom is an awesome woman. Kapag naiisip ko iyong mga pinagdaanan niya, nagkakaroon ako ng lakas na magtuloy tuloy ngayon. She experienced two miscarriages already. One before Kuya and then one before me. Kaya siguro ay ganoon na lang ang ingat nila sa akin dahil na nga rin sa mga nangyari. Kapag tinatanong ko si Mama kung paano niya nakaya, she'll just tell me never to let myself be swallowed by pain.
And that is what I am doing now. I am trying to be happy. I have to be happy.
Inilagay na ni Mama iyong mga spaghetti sa plato. Kumuha muna ako ng dalawa para ihatid kina Auntie Avvi at Aunti Tori since sila ang mas malapit sa bahay namin. Noong makarating ako kay Auntie Avvi ay ang pinsan kong si Ruan ang sumalubong sa akin.
"Si Auntie?" tanong ko habang inaabot ni Ruan ang spaghetti.
"Na kila Ninang Tori." Sagot nito bago pumasok na. Napanguso na lang ako at dumiretsyo naman sa bahay ni Auntie Tori. Hindi na ako kumatok dahil sanay naman silang basta na kami pumapasok.
"Auntie! Nagpahatid po si Mama ng spaghetti." Tawag ko. Walang tao sa sala nila pero naririnig kong may nag uusap sa kusina. Naunang lumabas si Ate Serise at nakita agad ako.
"Oh finally! May normal na tao!" sigaw nito at tinakbo ako. Kinuha niya ang spaghetti sa kamay ko bago ako inakbayan.
"Savior." Bulong niya sa akin. Ano bang sinasabi ni Ate ha?
BINABASA MO ANG
Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionLEGACY 1 They say that when you wish for something so hard, it will come true. If you really wanted something to happen, then you will just have to work for it. Wish and work. These two can make miracles. But then Chantal already did everything...