Cosette

128K 3.1K 595
                                    



1



Mahal ni Eponine si Marius kahit na bulag ang huli sa kanyang pag ibig. But she doesn't mind that. She will still love Marius despite everything. She went to the war and sacrificed her life for a man who cannot love her back.


It's funny how I see myself in Eponine's shoes. Pakiramdam ko ay katulad niya ako. Eponine and I are both alike, we are in love with a man who will never see us.


It was a rainy day. Three thousand nine hundred and fifty four days have passed ever since he left for States to study. Ang tagal na hindi ba? It's been three thousand nine hundred and fifty four days eversince he left with my heart on his sleeve.


Three thousand nine hundred and fifty four days of running to catch him. Three thousand nine hundred and fifty four days of trying to make him see me. Three thousand nine hundred and fifty four days of failing.


Siguro sa ganitong aspeto kami nagkakapareho ni Eponine. Pareho kaming nagmahal ng mga lalaking hanggang sa tingin na lang namin. I have spent the past twenty years of my life, waiting and hoping for Seven Montreal to finally notice me.


I still remember the day I realized I will fight with everything that I have just to get him.


Nagising ako sa ilang beses na hampas ng unan sa akin. Noong binuksan ko ang aking mata y nakita ko ang kapatid kong nakatingin sa akin.


"Why?" I hissed. Damn Caius Falcon. Bwisit talaga.


"Get up." Utos niya. Kinuha ko lang ang unan at nagtalukbong.


"Chantal." Mas madiin na ang tono ni Kuya. Pabalag kong tinanggal ang kumot ko bago siya tiningnan ng masama.


I just hate my brother. Pasalamat siya at mahal siya ni Mama. Kung hindi ay sasabihin ko kay Papa na ipaampon na lang siya. He's been trashing my whole life for the past sixteen years. Mabuti pa ang pinsan kong si Rielle, hindi siya pinapahirapan ni Kuya Rome. Pero ako? Haaaay.. walang araw na dadaan na hindi kami nag aaway ni Kuya.


"Bakit ba?" tanong ko dito. Hinihila na niya ang kamay ko para patayuin ako. I just pouted. Sabado ba ngayon? Sabado lang naman umuuwi itong kapatid ko eh.


"May iuutos ako." aniya. Padabog akong bumaba ng kama at sinundan ang kapatid ko papunta sa kusina. Tahimik pa ang bahay. Tulog pa yata sina Papa.


"Bakit ang aga mo?" tanong ko sa Kuya ko. Hindi niya ako sinagot. Asa pa ako sa kapatid ko. Minsan talaga adik si Kuya.


"Hatid mo ito mamaya sa Wave." Aniya bago niya inilahad ang isang malaking lunchbox sa harapan ko. Napangiwi ako bago siya tiningnan ng masama.


"Eh Kuya!"


Pinitik niya ang noo ko at halos mapasigaw ako sa sakit. "Bilis na. Huwag kang tamad." Sabi niya sa akin. Iniabot ko ang lunchbox bago ko hinimas ang aking noo.

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon