Italy

77.7K 2.3K 163
                                    

29



"Do you approve of him already?" tanong ko kaagad kay Papa noong nagpaalam na si Seven sa amin. Tinitigan lamang ako ni Papa at nagkibit balikat. Lumapit ako rito at niyakap ang braso niya.


"You approve of him, right?" paninigurado ko. Nilingon lang ako ni Papa bago niya pinitik ang noo ko. Kinuha lamang niya ang tasa ng kape at iniwan na ako sa kwarto niya.


I guess my Dad approves of Seven already. Sana. All I can do right now is to assume and actually hope that my father already gave us his blessing. Papa only wants me to be happy. Sana ay maintindihan niyang iyong kaligayahan ko ay na kay Seven.


Umalis rin ako kaagad at dumiretsyo sa bahay nila Seven. Kasalukuyang nilalagay nila Manang iyong mga gamit nila ni Allanis sa van. Sa gilid ay nag uusap ang dalawa at kung ano ang ginagawang diskusyon. Lumapit ako ng bahagya sa kanila para marinig iyong usapan nila.


"...I'll be married to a rich man. What's better than that?" Allanis joked. Namulsa lamang si Seven bago napanguso. I almost forgot. Magpapakasal na pala si Allanis kapag bumalik na siya sa Italy. I wonder who her fiancée is.


Napansin ako ni Seven na nakatayo sa gilid kaya natigil siya sa dapat niyang sabihin. He immediately smiled at me kaya lumapit na ako rito.


"I'll text you when I get there." Aniya. Napanguso ako at agad na umiling.


"Tawagan mo ako."


"Cha, madaling araw na dito pag nakarating ako roon." Sagot niya sa akin. Ay, basta! I don't care. Gusto kong marinig ng personal iyong boses niya para sigurado akong nakarating siya ng maayos sa Italy.


Tinitigan ko siya ng masama. He just sighed before nodding. "Fine, I'll call you." Pagsuko niya. Napangisi lang ako at niyakap ang braso niya.


"I'll leave the two of you alone." Napapangiting sabi ni Allanis. Kinuha niya iyong maliit niyang maleta bago dumiretsyo sa van.


Noong makapasok siya roon ay hinarap ko si Seven.


"Magpapakasal na talaga siya?"


Tumango ito. "Her father gave her an ultimatum. She needs to be married before she her birthday." Sagot niya. Tiningnan ko si Allanis na kinakausap na si Manang habang inilalagay ang gamit niya sa van.


How can she be forced to marry someone she doesn't even love? Hindi ba dapat ay sarili mong desisyon iyon? Sagrado ang kasal at hindi dapat iyon ginagawang business deal. It is your heart who should decide. Not your mind.


"That's sad." Tangi ko na lang nasabi. Kung siguro noon ko pa nalaman ito, baka hindi ako maaawa kay Allanis. But she's really nice. I hope she will learn to love her fiancée.


"Yeah."


Seven checked his watch before looking back at me. "Alis na ako." paalam niya. Tumango lang ako pero hindi ko naman siya mabitawan. Hinawakan niya iyong kamay kong nasa braso niya at marahan iyong pinisil.

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon