20
May tatlong bibe akong nakita~~
------------------------------
"I'm really sorry Chantal. I can't come with you. Something came up." Ruan apologized over the phone. Napanguso na lamang ako at pinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit ko.
"And please tell Bullet, I can't come too." Aniya pa. Napaupo na lamang ako sa lamesa. Nangako kasi si Ruan na ililibre kami ni Bullet sa sine ngayon. Lalo pa't matagal ng hindi nakakauwi si Bullet sa Pilipinas dahil nga nagtrabaho siya sa resort nila Kuya Seth.
"Okay. So, next time then?" sabi ko na lamang. Narinig kong bumuntong hininga si Ruan sa kabilang linya.
"Yeah. I'm really sorry Chantal." Aniya. Aaw.. I can feel he's guilty. Sayang nga lang talaga at nagka emergency siya. Paano kaya niyan? Inaabangan pa naman ni Bullet si Ruan, crush na crush niya kaya yun.
Saktong pinatay ko ang tawag ay muli na namang nag ring ang phone ko. This time, it's Kuya Seth calling.
"Hello?"
"Yo Ma'am Chantal! Haha, nasa baba na ako! Tara na!" excited na sabi ni Bullet. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na rin ako.
"Kasama mo si bebe Ruan ko?" aniya. Natawa na lang ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya?
"Hihi, alam mo nagsuot ako ng sexing damit kasi lalandiin ko siya Cha. Sheet lang!" maingay niyang sabi. Nakagat ko ang labi ko habang papalabas ako ng elevator.
"Di raw siya makakarating Bullet." Sagot ko. Pagkalabas ko ay nakita ko na si Bullet na nakasandal sa kotse ni Kuya Seth. Nakanguso siya habang nakatingin sa akin.
"Hindi siya darating?" malungkot niyang sabi. Pinatay ko ang tawag at lumapit sa kanila ni Kuya Seth. Si Kuya ay nakatingin lang din sa akin at mukhang mainit ang ulo.
"Hindi darating yung bebe ko?" salubong ni Bullet sa akin. Umiling lamang ako.
"May emergency daw."
Yumuko siya. "Lagi na lang ganyan. Umasa lang pala ako. Lagi na lang akong napapaasa. Sawang sawa na ako." hugot niya. Kung di lang ito malungkot, sasabunutan ko siya.
Tuloy tuloy siyang pumasok sa kotse ni Kuya Seth. Ako naman ay dumiretsyo sa likod. Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko si Seven na naglalaro ng piano tiles sa loob.
"What are you doing here?" tanong ko rito. Di niya ako pinansin at tutok sa pagtipa sa phone niya.
"Pasok na Cha. Kami na lang sasama sa inyo mag sine." Sabi ni Kuya Seth sa amin. Pumasok na lang ako at tinitingnan si Seven na patuloy pa rin sa paglalaro.
BINABASA MO ANG
Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionLEGACY 1 They say that when you wish for something so hard, it will come true. If you really wanted something to happen, then you will just have to work for it. Wish and work. These two can make miracles. But then Chantal already did everything...