32
Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagbuksan o hayaan ko siyang magsawa na lang sa kakakatok. I haven't arrived with a decision yet when my phone rang. Dinampot ko iyon at nabasang si Seven rin ang tumatawag.
My heartbeat was racing and I don't even know what to do. Oh damn it!
Noong hindi ako sumasagot ay mas lalo lang siyang kumatok. Sa huli ay binuksan ko rin ang pintuan ko at masama ang tingin na ibinigay sa kanya. Tinitigan lamang niya ako, mula sa tuwalyang nakabalot sa buhok ko hanggang sa robe na tanging suot ko.
Sumipol siya sabay lapag noong hawak niyang bulaklak at regalo sa may mesa.
"You let strangers enter your room while wearing something like that Cha?" aniya. Napayuko lang ako bago sinara iyong pintuan. My gaze was fixed on the bouquet he brought. Pink na tulips iyon na may kasamang puting rosas.
Dinampot ko iyon bago tiningnan si Seven. "Why are you here?"
Namulsa siya. "Change your clothes first." Utos niya. Nilapag kong muli iyong bulaklak at dumiretsyo sa kwarto ko. I wore my black and pink tutu dress before blowdrying my hair. Kinuha ko na ang heels ko at purse bago lumabas.
Noong makita niya ako ay agad na kumunot ang noo niya. "You're going somewhere?" he asked.
"Bar." Simple kong sagot. Lalong lumalim iyong kunot sa noo niya. Tinitigan ko lamang siya bago ko tinalikuran. Bahala siya sa buhay niya. Paniguradong aangal lang siya at pagsasabihan na naman ako ng dapat gawin.
"Bar? Anong gagawin mo doon?"
Hinarap ko siya. "Magbibilang ng langgam, sama ka?" sarkastiko kong sabi. He stared at me for a while before the side of his lips rose and formed a smile.
Namulsa siya at tiningnan iyong bulaklak sa mesa. "I actually went here to say sorry about what happened." Aniya. Hmph! Sorry? Ewan ko sayo.
Naiinis pa rin ako na pinagtabuyan niya ako. I am relieved his not the father but I am still hurt when he told me to get lost.
Kinuha niya iyong kamay ko at marahan iyong pinisil. "Sasama ako sa pagbabar mo." Deklara niya. Nanlaki ang mata ko at aangal pa sana noong hinila na niya ako palabas ng aking kwarto.
"Hoy! Sinong nagsabing pumapayag na ako?!"
"Kahit hindi ka pumayag sasama pa rin ako Chantal!"
"Pero—"
Humarap siya sa akin bago ngumisi. "Come on, wag mo na akong awayin. I'm already going to say sorry Cha." Aniya. Napalobo lamang ang pisngi ko at hinayaan na siyang hilain ako.
Habang nasa may elevator ay tinititigan ko iyong repleksyon niya. He's just wearing his leather jacket, white shirt and a pair of ripped jeans. Iyong dogtag niya ay nakasabit sa leeg niya habang iyong diamond studded ear piece niya ay kumikinang sa ilaw.
BINABASA MO ANG
Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)
Narrativa generaleLEGACY 1 They say that when you wish for something so hard, it will come true. If you really wanted something to happen, then you will just have to work for it. Wish and work. These two can make miracles. But then Chantal already did everything...