Heart Speaks

107K 2.5K 491
                                    


17 



I woke up with a loud bang downstairs. Kinukusot kusot ko pa ang mata ko noong bumaba ako para tingnan kung ano ang nangyayari. Sino bang hinayupak ang nag iingay sa kusina?


"I'm telling you dude, you can burn our house down but I will never let you get my sister." Bored na bored na sabi ng Kuya ko. Nilingon ko siya. Nakapangalumbaba siya sa may countertop habang nakatingin sa may kalan.


Baliw na ba si Kuya? Bakit niya kinakausap yung kalan? Hala.. sabi ko na nga ba eh.


"Kuya—"


"Ang init ng ulo mo sa akin Cai." Seven said--- what? Is he here?


Hindi agad ako pumasok sa kusina. Nagstay lamang ako sa may pintuan at pinakinggan ang dalawa. Knowing my brother, hindi na yata ulit magsasalita iyon.


"If I make Serise cry..."


"Subukan mo lang Caius." Banta ni Seven. Narinig ko ang pagtawa ni Kuya bago siya humikab.


"Nah. Nakakapagod mag explain sayo." Sumusuko niyang sabi. Naamoy ko ang nilutong itlog at bacon. Sinilip ko ulit sila at nakita ko si Seven na inilalapag na ang pagkain sa lamesa. He's wearing nothing but his boxer shorts and Papa's Hello Kitty apron.


"I won't make her cry again Cai." Seryoso ng sabi ni Seven. Napasandal lamang ako sa pader habang nakikinig sa kaniya. No, I refuse to hear his words. I refuse to let him in again. I have tried countless of times, I have begged a countless of times, I became a desperate bitch a countless of times and I won't start again.


I know that there is always that one person you know you have to forget. There is always that one person you have to avoid. You know it, and yet you can't even walk away. You can't even take the first step.


But I am now a grown up woman. I know I have to walk away now. Mas kailangan ko pang lumayo ngayon dahil ayaw ko ng balikan iyong ako dati. Maybe he's right, maybe I am desperate and immature. Maybe I am not deserving of love. I might have lost myself when I fell for him, but now I am determined to find me.


Uunahin ko na ang sarili ko. It is me over everything now. Even him.


Paakyat pa lamang ako sa kwarto ko para matulog ulit noong lumabas si Kuya. Dala dala pa niya iyong Baymax niyang unan. Nagkatinginan kaming dalawa bago niya inginuso iyong kusina.


"He's making your breakfast." Tinatamad niyang sabi. Nilagpasan na ako ni Kuya at umakyat na rin sa kwarto niya. Nakita kong sumilip si Seven sa pintuan at nginitian ako. Umiwas lang ako ng tingin agad. I can't look at him. I can't stare at him. I have to walk away now.


"Let's eat. Pinagluto kita." Masuyo niyang sabi. Umiling lamang ako at tinuro ang orasan.


"Late na ako sa trabaho. Doon na lang ako kakain." Sabi ko. Nawala ang ngiti niya at nagseryoso ang itsura niya.


Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon