Kabanata 2

4.8K 81 3
                                    

Ang Pag-alis

       NAKASUOT si Sofia ng high waist at sleeveless crop top na pinatungan niya ng flannel. Karaniwang damit ng mga babae sa syudad.

Binaliwala lamang niya ang mga mapanuri at mapanghusgang tingin ng mga tao sa paligid. Tinitingnan siya nito na parang nandidiri. "Selos lang kayo sa damit ko. Ang pangit kasi ng damit niyo, ang baho baho pa." Ani ni Sofia sa kanyang sarili.

Taas noo siyang naglakad papunta sa bahay nina Lourdes. Hinanda na niya ang kanyang sasabihin. At sisiguraduhin niyang siya ang mananalo.

Kumatok siya sa pintuan. "Tao po! Lourdes andyan ka ba?" Tawag niya sa kanyang pinsan.

Sandali lang siyang naghintay at binuksan na siya. Natinag siya sa kanyang kinatayuan ng makita niya ang bumukas. "Miguel." saad niya.

Parang pinutol ang dila niya dahil hindi siya makapagsalita. Imbes na lumaban, namumuo ang luha sa kanyang mga mata.

"Ikaw pala yan Sofia! Kailan ka palang dumating?" Nakangiti nitong sabi.

Isang linggo na siya rito pero hindi alam ni Miguel.

Ang sakit sa pakiramdam. Wala na talagang paki si Miguel sa kanya.

May iba na talaga itong pinagtutuunang pansin.

At si Lourdes iyon na paparating.

Namuo ang malakas na pwersa sa kanyang katawan. Gusto niyang saktan ang dalawang nilalang sa kanyang harap.

Hindi ba sila nakokonsensya? Alam ni Lourdes kung gaano niya ka mahal si Miguel at ngayon aakto itong parang walang alam? Bwjsit.

Hindi niya napigilan at sinugod si Lourdes. Gusto niyang sampalin ang babae. Gusto niya itong saktan. Gusto niyang iparamdam dito ang sakit na kanyang nararamdaman. Dahil alam niya mismo sa kanyang loob-loob na walang makakatalo sa sakit na kanyang nararamdaman. Hindi man siya sinaktan sa pisikal na anyo pero walang makakatalo sa emosyonal na anyo.

"Walanghiya ka mang-aagaw!" sigaw niya. Sinabunutan niya si Loudes. Sinigurado niyang babaon ang kanyang kuko sa balat nito. Gusto niyang makakita ng dugo.

"Pinagkatiwalaan kita pero ikaw rin pala ang umahas!" Pilit na silang paghiwalayin ni Miguel pero hindi siya nagpatinag.

Mas sinabunutan niya lalo si Lourdes at alam niyang mayroon na siyang buhok na nakuha. Sinampal niya ulit ito. Gusto niyang makapaghiganti. Sinigurado niya na sa kanyang sampal damadaloy doon ang galit.

"Tama na iyan Sofia!" Pilit na silang paghiwalayin ni Miguel ngunit hindi nagpatalo si Sofia. Kahit sa ganitong paraan lang siya makapaghiganti.

Dahil alam niya sa kanyang sarili na talo na siya sa larong ito.

Na kahit ano pa ang isusugal niya talo parin siya. Masasaktan parin siya.

"Malandi ka! Ahas! Higad! Tuso!" Lahat nalang siguro na bawal na mga salita ay gusto na niyang sabihin. Sobrang pula narin ng mukha niya. Nakakuha narin siya ng isang sampal galing kay Lourdes. At sa wakas napaghiwalay na sila ni Miguel.

Fvck. Masakit iyon.

"Nag request lang ako sayo tinuloy tuloy muna! Nasarapan ka ba kay Miguel? Magaling ba siya?" Dinuro duro na niya si Lourdes. "Diba alam mo naman na mahal ko siya? Pinagkatiwalaan kita Lourdes. Pero ginago mo lang ako! Ahas ka talaga, ahas!" At sinugod niya ulit. Sa pagkakataong ito napigilan na siya ni Miguel. Sinagang ng binata ang kamay niya. At pilit itong inilayo kay Lourdes.

Umiiyak na si Lourdes. Nakokonsensya na siguro ito. Iyan... dapat ka talagang makonsensya dahil isa kang tuso.

"Tumigil ka na Sofia!" She was shock of what he did. Ito ang unang pagkakataon na sinigawan siya nito. She used to be his princess. But now? She don't know.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon