Ang Pagkagising
MASAKIT ang kamay at paa ni Sofia kaya naimulat niya ang kanyang mga mata.Napatingin siya sa kanyang paligid. Nasa isa siyang kwarto. Kwartong yari sa kahoy. May balkonahe ito sa gilid na matatanaw nito ang asul na dagat. May glass sliding door doon na naghihiwalay sa kwarto at balcony.
May mga art paintings na nakalagay sa bubong.
May larawan ng dolphin, abstract design, isang sunset at larawan ng isang babae. Napakaganda niya. Mahihiya ka sa tangos ng ilong at sa taas ng kanyang piluka. Isang halimbawa ng dyosa.
Nilibot niya ang paningin.
May flatscreen tv rin kaharap ng higaan.
May dalawang pintuan rin ang kwartong iyon. At sa lagay niya pintuan ito palabas ng silid at pintuan patungong banyo.
Hanggang dumako ang tingin niya sa malaking kabinet. Yari ata iyon sa narra dahil matibay ang pagkakagawa. Sinunod niyang tiningnan ang lampshade na inilagay sa maliit na kabinet sa gilid nito ay may larawan.
Larawan iyon ng isang pamilya. Parang nasa gubat ang mga iyon dahil sa mga naglalakihang puno na nasa gilid nito. Dala narin ng suot nitong pang mountain climbing.
Napatingin siya sa babae. Ito ata ang nasa canvas na ipinintura, magkamukha kase.
Matapos niyang nilibot ang tingin sa kabuuan ng silid napag-isipan niyang lumabas.
Akmang tatayo na siya ng mapansin niyang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang kamay pati sa kanyang dalawang paa.
"Ahhh!!" Napasigaw si Sofia sa gulat. Nakatali ang kamay niya pati ang kanyang mga paa.
Mabigat ang paghinga niya. Hindi niya alam ang gagawin. Paano siya makakatakas? Iba't-ibang tanong ang pumasok sa utak niya. Sinong may gawa sa kanya nito? Bakit siya tinali? Anong plano nito sa kanya?
Napansin niya rin na iba na ang suot niyang damit. Hindi na yung high waist short at crop top shirt niya. Hindi na rin basa, di katulad ng suot niya sa huli niyang ala-ala.
Nasapo niya ang kanyang noo. Totoo pala ang nakita niya kanina. Totoo pala ang gwapong lalaki kanina na sa tingin niya ay panaginip lang.
Siya ba ang may gawa nito sa kanya? Sa kanya ba ang damit na kanyang sinuot ngayon? Siya ba ang nagbihis sa kanya?
Nakasuot kasi siya ng white longsleeve na hanggang hita lang.
At nararamdaman niyang wala siyang ibang suot kundi yun lang.
Yung white long sleeve lang.
Pilit siyang kumawala sa pagkakatali dahil sa takot na gagawin sa kanya ng lalaki.
Sumigaw na lamang siya. "Tulong! Tulong po!"sigaw niya. Nagbabakasakaling may makarinig sa kanya. Baka umalis pa ang lalaki at may mapadpad sa bahay na iyon. Hindi pa naman siya nakarinig ng tunog na may kasama siya sa bahay.
"Tulongan niyo ako! Tulong!" Patuloy niyang sigaw. Pilit parin siyang kumawala kahit alam niyang imposible. Imposible siyang makatakas dahil yari sa bakal ang tinali sa kanya. Ma swerte lamang siya dahil may pagkaluwag ito. At mataas ang pagkakatali na galing sa gusali ng kanyang higaan.
Hindi niya parin tinigilan ang pagsigaw. "May tao po dito! Maawa kayo! Tulungan niyo ako!" Nanginginig niyang sigaw. Natatakot siyang baka dumating ang lalaki at baka kung ano ang gagawin sa kanya.
Mas lalong umusbong ang takot niya ng tumunog ang siradora ng pinto ng kwarto. "may tao." ani ng isip niya.
Bumilis narin ang pintig ng kanyang puso. Naghahabulan ito sa bilis.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
General FictionWARNING: SPG/R-18 She's a strong girl. That's what she thought. But deep inside she's weak. She have a fragile heart that can easily be broken. Kaya sa pagbalik niya ng La Libertad nawasak iyon kaagad. Someone took advantage of her weak heart. May g...