Home
TOTOO nga namang perlas ng silangan ang Pilipinas. Napakaganda ng kanyang bansang sinilangan.
Sa wakas pagkatapos ng limang taon nakauwi na nga siya.
She came back for good. Fully equiped. And have a healded heart.
Natawa nalang siya ng maamoy na naman niya mabahong hangin. Hangin na puno ng pulosyon. Wala parin palang pinagbago ang Pilipinas.
Pumasok sila NAIA 1 terminal kasama ang lola Samantha. Inalalayan niya ito.
Hindi niya mapigilang ngumiti ng makita si Achilles. Nakangisi ito sa kanila. Probably sa kanya. His wearing a white t-shirt and slack paired with his tik-tac shoes. Halatang galing sa trabaho. Ang kanang kamay nito ay nakapamulsa habang ang kaliwa ay hinawakan ang banner. Bondpaper lang iyon na may nakasulat na "welcome home my loves."
Lumapit ito sa kanila. Nagmano kay lola Samantha at hinalikan ito sa pisngi. Nag-iwas siya ng tingin. Shit!
Ano ba itong nararamdaman niya?
"Hey!" Tumawa ito kaya niyakap niya.
Fvck. He's getting more handsome.
He kiss her. She let him. Smack lang iyon. Hindi naman ito ang unang halik nila. They always kiss. Pero hanggang doon lang walang nangyari sa kanya.
"Mamaya na yan. Iuwi niyo na ako." Her face redened. Nandiyan pala ang matanda.
"Tayo na po lola." Nasa gitna nila ng binata ang matanda.
Nagkamustahan ang dalawa habang siya ay tiningnan ang paligid.
Napanganga siya ng makita ang sasakyan ng lalaki. It's the VOLVO XC90.
"When did you buy this?"
"Last week. Hindi ko na kinuwento para masorpresa ka."
Hindi nagkamali ang lalaki dahil nasorpresa nga siya. Ang yaman talaga!
"Kelan niyo ba ako bibigyan ng apo?" Napa ubo siya ng marinig ang tanong ng matanda.
Tahimik lang sila ngunit nagsalita ito kaagad kaya nabigla siya.
"Bata pa po kami lola." Ani ng binata bago tumingin sa kanya.
"Bata? Ilang taon ka na nga Sofia?"
"26 po lola."
"O ayan naman pala! 26 ka na at 28 na itong si Achilles. Kelan ba kayo magkaka anak yung malapit ka nang mag menopouse?"
Umiling siya bilang sagot. Hindi pa siya handa. Wala naman silang relasyon ni Achilles. Hanggang halikan lang sila. Hindi rin ito nanligaw sa kanya. Nagpapalipad hangin lang pero ayaw niyang mag-assume. Masasaktan lang siya sa huli.
Lumipas ang araw hindi niya namalayan na malapit na pala ang pasko. Dalawang linggo nalang.
Paano kaya kung bibisitahin niya ang lola Cecelia? Na miss na niya ito. Limang taon narin ang nakalipas. At upang bisitahin rin ang puntod ng ina. Kahit nasa New York siya hindi niya kinalimutan ang death anniversary nito. Palagi niyo itong dinadasal at nagpapamisa.
Sabi nila, time heals all wounds. Sa paglipas ng panahon nawala na ang galit niya kay Lourdes at Miguel. Dapat na talaga siyang bumalik ng La Libertad para humingi ng tawad. Sa kanila at sa mga taong nasaktan niya.
Gustong niyang magpasalamat sa ginawa nito. Kung hindi siya nito sinaktan hindi sana siya magiging masaya ngayon.
She's happy that she felt those pains. Napakaswerte niya naka experience siya ng ganoon. At least maging memorable ang buhay niya dito sa mundo.
At hindi niya sana nakilala ang lola Samantha kung hindi siya nakaranas ng ganoon. Everything has a reason.
Hindi siya nakatulog sa gabing iyon. Alas dyes na nang gabi pero dilat na dilat pa ang kanyang mga mata.
Kinuha niya ang kanyang paboritong unan at nagmartsa patungo sa kwarto ni Achilles.
Kumatok muna siya. Baka natulog na ito ginambala pa niya.
"Hindi ka pa natulog?" Tanong nito pagkabukas ng pintuan.
Tumango siya. Ito ang ikalawang pagkakataon na nakapasok siya sa silid ng binata. Hindi parin ito nagbago.
"Can I sleep here babe?" Kumunot ang noo nito halatang naguguluhan.
"Sure. Sa sofa nalang ako matulog." Pinigilan niya ito.
"No. You can sleep beside me."
"But Sofia-"
Ngumiti siya bago sumagot. "I trust you okay?"
Tumango ito at inimbita siya sa black leather king size bed ng binata.
"Wala ka bang ibang gagawin?"
"Bukas na yan. Lets just sleep now."
Hindi siya nakinig sa binata. Pumunta siya sa study table nito at tiningnan ang mga papeles. Ang dami niyon. Ang hirap siguro ng trabaho ng isang NBI Agent at ito pa ang nagpapatakbo ng kanilang kompanya.
"Tss..." Dinig niyang sabi at sinundan siya.
"Finish this Achilles, hihintayin kita. Hindi rin naman ako makatulog."
Tinapos ng binata ang nasimulang ginawa. Napakadali lang nito sa ginawa, halatang sanay. "Hindi ka pa ba matutulog?"
"Nope. Just go on."
She thinks she's falling. She's falling for this man. She is just a human. And humans are capable of falling in love.
May ibinigay na letter ito sa kanya. "Baka gusto mong sumama. Alam kong na bore ka na dito."
"Are you inviting me as a date?"
Ngumisi ito at tinigil ang ginawa.
"Is that a yes?" Tumawa siya sa tanong nito. Hokage talaga!
"Wag ka nang mag-abala ako na bahala sa gown mo. My designer will be here tomorrow. She will design your gown and my suit."
Tumango siya. Pagkatapos noon natulog na sila.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
General FictionWARNING: SPG/R-18 She's a strong girl. That's what she thought. But deep inside she's weak. She have a fragile heart that can easily be broken. Kaya sa pagbalik niya ng La Libertad nawasak iyon kaagad. Someone took advantage of her weak heart. May g...