Kabanata 28

3.2K 46 0
                                    

Christmas Eve

     SPENDING Christmas here in Philippines is worth to wait. Pagkatapos ng limang taon nakaranas narin siya na mag pasko dito sa Pilipinas.

Na miss niya ang nuche buena, ang simbang gabi, ang mga batang namamasko at ang maligayang tahanan ng bawat pilipino.

Masaya siyng kumakain kasama ang pamilya Felicia. Silang tatlo lang ni Achilles at lola Samantha sa bahay. Pinauwi ng matanda ang lahat ng katulong at binigyan pa ng bunos. Napakabait talaga ng lola.

"Masarap ba?" Tanong sa kanya ni Achilles.

Tumango siya. Si Achilles ang nagluto sa lahat ng pagkain sa lamesa. Natawa nga siya kanina dahil ayaw nitong magpatulong. Naka-upo lang siya habang tinitingnan itong abala sa pagluluto. Isang ideal husband si Achilles. Siguro kung hindi na niya mahal si Tristan, mahuhulog ang loob niya rito.

Nakokonsensya narin siya. Hindi man sabihin ni Achilles pero naramdaman niya ang pag-ibig nito para sa kanya. Action speaks louder than words, ika nga. Iniiwasan narin niya ang paghalik dito. Ayaw niyang magalit sa kanya si Tristan.

"Nga pala lola. Bukas na po pala ako pupunta ng San Diego."

"Bukas agad Sofia? Hindi na ba kita mapipigilan?" Ngumiti siya sa matanda.

"Gusto ko po sanang makasama si lola Cecelia magpasko lola."

Tumango ito. "O sige. Ihahatid ka namin ni Achilles bukas."

Pagkatapos nila kumain lumabas sila ng bahay para manood ng fireworks.

Alas-dos na nang madaling araw nang makapasok siya sa kanyang silid. Nagbihis muna siya bago humiga.

Mamayang alas-otso ay aalis na siya. Nakonsensya siya sa kanyang gagawin.

Oo, pupunta siya ng airport bukas pero hindi muna siya aalis. Hihintayin niyang makaalis sina Achilles at magpapakuha siya kay Tristan.

Ito lang ang paraan para makasama niya ang lalaki. Dalawang araw siyang mananatili sa condo nito bago pupunta ng La Libertad.

Kinuha niya ang cellphone at nag reply kay Tristan. Kaninang alas-dose pa ito nag text. "Merry Christmas too hon."

Napakagat siya sa labi. Ito pa ang unang pagkakataon na tinawag niya itong honey. Bumalik na ang lahat sa ayos. Mahal niya si Tristan pero hindi pa niya sinabi sa lalaki. She's being cautious now. Ayaw na ulit niyang masaktan.

"I can't wait to see you tomorrow."

Hindi na siya nagreply at natulog na.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon