Kabanata 19

3.3K 62 0
                                    

Apart



     WALANG tigil ang pag-iyak ni Sofia habang pabalik sila ng Manila.

Isang araw at kalahati ang byahe pabalik.

Kaninang madaling araw sila naglayag at alas tres palang ngayon ng hapon. May isang araw pa siyang kimkimin ang sakit na kanyang nararamdaman.

Dito siya sa cabin ng binata pinatuloy pero tinanggihan niya.

Ayaw niyang makita ito. Masasaktan lang siya.

Nasa gilid nito palagi si Patrixia. Palaging nakadikit. Bwesit!

Sa buong buhay niya ngayon lang siya nainsecure ng ganito.

Maganda si Patrixia. Makinis. Mapula ang labi. Blonde ang buhok. At napakalapit nito sa binata. Kilalang kilala nila ang isa't-isa. Samantalang siya WALA.

Napaiyak siya lalo sa isipang iyon.

Akala niya si Tristan na pero hindi pa pala. Sinaktan na naman siya nito. Bakit ba ang hilig manakit ng mga taong nakapaligid sa kanya?

Tao din naman siya diba? Nasasaktan.

Andito siya sa likod ng yate. Mainit dito pero wala siyang paki.

Tiningnan niya lang ang maalon na karagatan.

Asul iyon at klaro ang mga isda sa dagat.

Noong nakita niya si Tristan na hinalikan ng ibang babae parang nawasak ang mundo niya.

Gusto niyang sabunutan ang babae pero nang nalaman niya na si Patrixia iyon ay hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan.

Para siyang kinulong doon na hindi siya makatakas.

At mas lalo siyang nasaktan ng hindi ito tinaboy ng binata.

Nasa gilid lang siya nito pero noong nakita si Patrixia nakalimutan na siya kaagad.

Ganoon ba kadali siyang kalimutan?

Kaya pumasok siya sa kwarto. Umiyak siya doon. Gusto niyang sundan siya ng binata. At hindi nga siya nagkakamali. Sinundan siya nito.

Akala niya mapapatawad niya lang kaagad ito pero nagkakamali siya.

Nasaktan siya ng sobra. Hindi niya ito mapapatawad ng basta basta.

Sinabi nitong mahal siya. Pero bakit nagpahalik ito kay Patrixia?

Oo. Malapit na siyang maniwala na... na nabigla lang ito.

Pero hindi siya bulag. Nakita niya ang kislap sa mata ng binata. Kahit hindi nito sabihin nakita niya kung gaano kasaya si Tristan. Kaya magparaya nalang siya. Sinabi niyang bigyan siya ng kalayaan. At oras para maghilom ang sugat na ibinigay nito.

Kung mahal talaga siya ni Tristan kaya nitong maghintay. Kakayanin nito.

Umiyak siya muli at tinanaw ang karagatan. Wala siyang makitang isla. Dapit hapon na at tanaw niya ang palubog na araw.

Napakaganda nito.

Ngunit may malungkot na epekto parin ito sa kanya. Naalala niya ang binata dito. Sa palubog na araw sila unang nag date ni Tristan at doon niya ito sinagot.

Kinalimutan niya lang iyon at pumasok sa loob. Matutulog nalang siya.

Hindi doon nag-stay si Tristan. Ito ang nagmamaneho ng yate. Kaya doon muna siya. Magpapahinga at matutulog. Para makalimutan ang sakit na kanyang nararamdaman.



OKAY na sana siya. Hindi na gaanong mabigat ang kanyang pakiramdam. Pero heto... nag banggaan ang langit at lupa at nasa gitna siya.

Nakita niya si Tristan at Patrixia na naghalikan.

Hindi siya naiyak sa pangyayari. Naubos na kanina kaya walang tumulo.

Sumikip ang kanyang dibdib sa nakita.

Leshe! Konting respeto naman!

Imbis na tumakbo at umiyak iba ang kanyang ginawa.

Marahas na kinuha niya ang buhok ni Patrixia at sinabunutan niya iyon. Sinugarado niyang dumadaloy ang galit niya doon.

Hindi pa nakabawi sa pagkabigla ang babae kaya marami ring buhok ang kanyang kinuha.

May kalmot narin ito sa pisngi at dumugo na iyon.


"Shjt. Shjt! Sofia stop it!" Sigaw nito pero hindi siya tumigil at mas lalo niya itong sinabunutan.

Ni si Tristan ay walang nagawa at nakatingin lang sa kanya. Subukan nitong pigilan siya at ito na naman ang kanyang sasabunutan.

"Iyan... iyan ang bagay sayo ahas!" Hinihingal niyang sigaw.

Pinaghiwalay na sila ni Manong Jauqiun.

"Bakit ka ba nangingialam ano ba ang ginawa ko sayo?"

Lumunok siya at tinaas ang kilay.

Bwesit! Aakto itong walang alam?

"Naghalikan kayo ni Tristan! At ngayon hindi mo alam?"

"Anong bang problema kung maghalikan kami? Bakit kayo ba?"

Kumalabog na naman sa sakit ang kanyang puso.

Oo nga pala nakalimutan niya. Wala nga palang sila.

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Patrixia bagkus tiningnan niya si Tristan?

Naka droga ba ito? Ang high ng pakiramdam eh!

Inismeran niya si Patrixia at hinigit palayo doon si Tristan.

Dinila niya iyon sa cabin ng yate. Mukha itong lasing kung maglakad. Wala sa sarili.

Binuksan niya ang pintuan at pinasok ang binata.

*pak*

Isang malakas na sampal ang ibinigay niya.

"Fvck you Tristan! Sabi mo mahal mo ako? Tapos ngayon makita ko kayong naghalikan? Nasaan na yung sabi mo na nabigla ka lang. Pati yun? Nabigla ka lang din?"

Sunintok niya ang dibdib nito.

Humihikbi na siya. "Wag mo naman akong gawing tanga oh! Maawa ka..."

Napa-iyak na siya sa sakit na nararamdaman.

"Ugh!" Sinuntok na naman niya ito.

Tiningnan lang siya ni Tristan. Wala itong ginawa. Nakatunganga lang ito at... nawalan ng malay.

"Tristan!"




NAGISING si Tristan sa sakit ng ulo.

"Ugh!" Napasabunot siya sa kanyang buhok.

Parang biniyak ang kanyang ulo sa sakit.

May nakita siyang tubig sa nightstand. Kinuha niya iyon at ininom.

Fvck.

May pinaimon sa kanya si Patrixia.

Ang sama talaga ng babaeng iyon.

Inimbita siya nitong mag-inuman sila. Pumayag siya dahil gusto muna niyang makalimutan pansamantala ang problema.

Pero ito ang naging resulta.

Bumukas ang pintuan at iniluwa roon si Sofia.

"Sofia."

Mabuti naman at ligtas ito. Baka mapatay niya si Patrixia pagmay ginawa itong masama sa mahal niya.

Bumaling sa kanya si Sofia at may ibinigay.

"Inumin mo."

Isa iyong pain reliever kaya mabilis niyang ininom. Masakit parin ang ulo niya pero hindi na gaano.

"Let us talk to Sofia."

Tiningnan lamang siya ng dalaga. Napakalamig nang trato nito sa kanya.

"Wala tayong dapat pag-usapan Tristan." Anito at naglipat ng tingin. Hindi siya nito makayanang tingnan.

"Ilang sandali nalang makakarating na tayo sa Manila. Kalimutan mo na ako Tristan. Isipin mo nalang na hindi mo ako nakilala. Na isang panaginip lang iyon lahat. Na minsan wala tayong pinagsaluhan."

Umiling siya. No... no. Please.

Lumuhod siya sa harap ni Sofia. Gagawin niya ang lahat mapapatawad lang siya ng dalaga. Kung pahalikan nito ang mga paa gagawin niya mapatawad lang siya.

Hinawakan niya ang kamay nito ngunit hinawi lang iyon.

He cried. She also cried.

"P-please Sofia. Wag mo namang gawin sakin to. Maawa ka... I can't live without you."

Nanginginig na ang kanyang labi. Hindi niya ito nagawa sa ibang babae kay Sofia lang. Mahal na mahal niya ito.

"No Tristan. You can live without me. Andyan naman si Patrixia diba? Diba siya ang mahal mo? Na hindi mo siya kayang makalimutan na pati panaginip mo siya ang laman? Diba?"

Hindi siya nakakilos.

Anong ibig sabihin nito? Anong gusto nitong iparating?

"What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong.

Tumingin ito mata sa mata sa kanya. Bakas doon ang kalungkutan.

"Paulit-ulit mong binanggit ang pangngalan ni Patrixia sa kanya. At hindi ako manhid para hindi iyon maramdaman na mahal mo siya."

Tumigil ito sa pagsasalita at pinahid ang luha na patuloy na tumutol.

Fvck. Fvck. Fvck it!

Ano na naman ba ang ginawa niya? Nagmahal lang naman siya ah!

Bakit kailangan niyang masaktan ng ganito?

"Salamat Tristan. Salamat sa lahat. Utang na loob ko ang buhay ko sayo. Wag kang mag-alala. Aalagan ko ito katulad ng pagmamahal ko sayo. Paalam..."

Hindi siya nakagalaw. Wala talaga siyang lakas pagdating kay Sofia.

Hinang-hina siya.

Nakita nalang niya itong umalis sa cabin. Umalis sa sinakyan nilang yate. Umalis sa buhay niya.

Wala siyang nagawa. Hinayaan niya itong umalis. Hindi niya ito pinaglaban.

At kasalanan niya iyon lahat.

He didn't deserve her. He didn't deserve her love.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon