Ang Paglubog
NAKASAKAY na ngayon si Sofia ng pampasaherong bus papuntang Pulo. Ito ang tawag sa daungan ng mga barko.
Dalawang oras ang byahe galing La Libertad. At papalubog na ang araw. Dapit hapon na at ilang minuto nalang makakarating na siya ng Pulo. Babalik na siya ng Maynila at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa kanyang lintik na puso. Tumitibok parin ito sa nag iisang lalaki at iyon ay si Miguel.
Na kahit itaboy na siya nito hindi niya parin kayang kamunghian. Oo, galit siya dito pero hanggang doon lang iyon.
Hindi naman iyon kasalanan ni Miguel. Kasalanan iyon ng hipon niyang pinsan.
Kinuha niya ang kanyang maleta at isinabit ang kanyang back pack sa likod at bumaba na ng bus.
Isinuot niya ang kanyang avaitor at naglakad na para bumili ng ticket.
Pumila siya at naghintay sa kanyang termino. Sa dinami dami ng mga pasahero, nakakuha siya ng numerong 35.
Dalawang araw ang byahe patungong Maynila. Hindi siya pwedeng mag eroplano dahil kulang ang kanyang dalang pera.
Naaawa na siya sa kanyang lola kung manghihingi pa siya.
Pagkatapos niya bumili ng ticket ay pumasok na siya sa terminal area at bumili ng pagkain. Wala siyang dala ni tubig. Bumili siya ng kanin at ulam para sa hapunan niya. Inihaw na paa ng manok ang kanyang binili. Chichirya at noodles cup para may makain siya baka sakaling magutom.
Pagkatapos niyang ilagay ang kanyang mga bagahe sa tourist area lumabas muna siya para magpahangin.
Sa huling pagkakataon sinulyapan niya ang kanyang lugar. Sa likod ng mga nagbeberdihang mga bundok na iyan ang La Libertad.
May namumuong ulap doon. May bagyo sigurong paparating.
Bago siya umalis, binisita niya muna ang ina.
Matagal-tagal na siyang hindi bumisita doon. Marumi na ang paligid at nagtataasan na ang damo. Halatang walang naglilinis.
Tinanggal niya ang kanyang avaitor at pumasok na.
Umandar na ang makina ng barko at alam niyang aalis na sila.
PAGKATAPOS niya kumain ng hapunan pinilit niyang matulog dahil sa lakas ng alon.
Pati narin ng kidlat at malakas na pag ulan.
Sa dalawang oras nilang paglalayag hindi tumigil ang ulan. Mas lumakas narin ang tunog ng kidlat.
Bakit ba lumayag ang barkong ito kung alam naman nila na may paparating na bagyo?
Binaliwala nalang niya ang pangyayari at pilit na matulog.
NAGISING si Sofia sa mga sigaw sa kanyang paligid.
Naalimpungatan rin siya dahil sa pabalik balik sa kanyang tinulugan ang mga tumatakbong mga paa.
"Miss!Miss!" Tawag sa kanya ng ahensya ng barko.
"Magsuot po kayo ng life vest. Malakas po ang alon at baka may mangyari sa barko. Hindi napo kasi ma control dahil sa lakas ng alon. Mas maagap po kung handa tayo." Kwento nito sa kanya at umalis na. Iyon rin ang narinig niya na sinabi sa ibang deck.
Iyon pala ang dahilan kung bakit nagpa panic ang ibang tao. Mabilis niyang sinuot ang life vest at inihanda ang kanyang mga gamit.
Natataranta narin siya.
Sumunod lang siya kung saan pumunta ang kanyang mga kasamahang sumakay sa barko. Sa sitwasyong ito dapat kung saan ang marami doon ka sasama.
Tumakbo na siya palabas dahil hindi na balanse ang barko.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
General FictionWARNING: SPG/R-18 She's a strong girl. That's what she thought. But deep inside she's weak. She have a fragile heart that can easily be broken. Kaya sa pagbalik niya ng La Libertad nawasak iyon kaagad. Someone took advantage of her weak heart. May g...