Kabanata 33

3.3K 53 1
                                    

Run

    "HALIKA dito Sofia!" Sigaw ni Lourdes ng umahon siya.

Naligo sila ngayon sa Ardent Hot Spring. Umiling lang siya at nagtungo sa cottage na kanilang inakupa.

Ayaw niyang madistorbo ang moment ng mag-asawa. Silang tatlo lang, at hindi kasama ang mga bata. Para nga siyang third wheel sa dalawa.

Kinuha niya ang cellphone at nakipagtext kay Tristan. Na miss na niya ito. Kahit naman malayo siya sa lalaki pinaramdam parin nito kung gaano siya nito kamahal. Iyon ang nagustuhan niya lalo kay Tristan. Nililigawan siya nito araw-araw.

Sa isang linggo na pananatili niya sa Libertad, hindi nito nakaligtaan na tawagan siya bawat gabi. Palagi rin siya nitong tinext na kakain na o babati ng good morning or good night. Tristan didn't failed to make her smile every day.

"Honeyyy!!!" Panimula niyang text. Minuto ang lumipas at nagreply narin ito.

"Hey hon! Nakauwi ka na ba? Did you enjoy in Ardent?"

Mabilis siyang nag type at sinend kaagad. "No. Andito parin kami sa Ardent. I'll text you later hon, I know your busy. Na miss lang kita kaya hindi ko napigilan ang daliri na i-text ka. Take care okay?" Iyon lang at tinago na niya ang cellphone.

Bumalik siya sa hot spring at naligo ulit. Nag float siya at ini-relax ang sarili.

Pagkatapos nila maligo, kumain sila at nag-inuman. Nag kwentuhan rin sila at kung ano-ano pa. Nang may makakita sa kanila na kaklase sa hayskul ay napapasali sa kanila. Kaya ang wakas ay parang may mini get together na naganap sa kanilang batch.

Gabi na nang umalis sila sa Ardent. Doon sila naghapunan at nag night swimming.

Sa pagkausyoso mabilis siyang pumasok sa bahay ng lola ng makitang nakabukas lahat ng ilaw. Maraming tao rin halata sa yabag ng paa na kanyang naririnig sa ibaba.

Pumasok siya sa bahay at nabigla sa nadatnan. Hindi niya inaasahan ang nakita. Na sorpresa nga siya!

"Lola Samantha!" Bati niya sa matanda at hinalikan ito sa pisngi.

Lumapit rin siya sa lola Cecelia at nagmano. Nag-uusap ang dalawang matanda sa kanyang harapan. Iniwan niya muna ito para maligo ng preskong tubig. Malagkit ang kanyang panit.

Nalaglag ang panga niya ng may makitang nilalang na natutulog sa kanyang kama. At leshe! Nakaboxer lang iyon.

Kung hindi siguro niya nakilala si Tristan baka mahal na niya ang lalaki na nasa harap.

"Hey!" Hinawakan niya ang balikat nito para magising. Napamulat naman si Achilles.

"I'm sorry. Nakatulog lang ako sa kakahintay." Anito.

Naintindihan niya ito. Napuyat siguro sa byahe.

"It's okay."

"Aalis na ako. Pupuntahan ko pa si lola."

Tumango lang siya at pumunta na ng banyo. Matapos maligo nadatnan niya ang dalawang matanda na nag-uusap parin. Nasa sala ito kasama si Achilles.

"Nandito na pala si Sofia." Sabi ng kanyang lola Cecelia.

"O tingnan mo Cecelia! Diba sabi ko sayo na bagay itong apo mo at apo ko." Anito at humalagpak ng tawa ang dalawang matanda.

Napangiti siya ng peke sa dalawa. Hindi nito kilala si Tristan kaya nag-assume ang dalawang matanda na may namamagitan sa kanila ni Achilles.

Tiningnan niya ang katabi na napatawa rin, nilagay nito ang kamay sa kanyang balikat. Gusto niyang tanggalin ito para hindi paasahin. Hindi lang si Achilles ang masasaktan, pati rin ang dalawang matanda na masaya na nasa kanyang harap. Mahalaga ito sa kanya at malulungkot siya pag ito'y masaktan.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon