Chapter -38

579 12 0
                                    

Mylene Pov

Ang tagal naman ng taong 'yun. Naiinip na ako kakaintay dito sa labas nang bungalow nila. Kahit kailan talaga ang kupal na 'yun. Feeling gwapo!

Matapos naming maligo kanina ay nakatulog kami dahil narin sa pagod. Nagising kami na gabi na, kaya naisipan naming maglakad-lakad. May sariling lakad rin sa kasi ang iba.

Nakayuko ako habang pinaglalaruan 'yung batong nasa paanan ko. Ang tagal talaga. Psh!

"Mylene?" Napaangat ako nang ulo at bahagyang nagulat sa taong tumawag sa pangalan ko, pero hindi ako nagpahalata. Ayan na naman ang puso kung abnorma! Pa'heart transplant kaya ako?

"J-Julian!" Oh-uh! Shuttering baby.

"Kumusta.."Humakbang siya nang isang beses pero otomatik namang napaatras ang paa ko. Mukhang nagtaka siya sa ginawa ko. "..ka na? Simula nang dumating tayo dito..hindi na tayo nagkausap." Medyo nagtatampo niyang sinabi. Buti nalang wala lang sa kanya 'yung ginawa kung pag-atras.

"O-ok lang ako. I-ikaw?" Lame kung sagot. Sampal sa sarili.

Bigla siyang sumeryuso. "Or should I say...after that night...we haven't talked. Bakit Mylene?" He stopped and sigh. "..Mylene kung may problema ka you can talk to me. Diba magbestfriends tayo? Ikaw, palagi kang andyan para sakin..maybe its  my turn to return the favor. So tell me..may problema ka ba?" Dagdag niya nang hindi na wawala ang kaseryusuhan sa mukha niya. I gulped.

That night. Yeah! Simula nang gabing 'yun hindi na kami masyadong nagkakausap, dahil na rin sa exam namin na siyang ipinagpapasalamat ko. Dahil kahit sandali nakalimutan ko 'yung problema ko--kung matatawag nga ba 'tong problema. And now his confronting me about it.

Huminga ako nang malalim at sinalubong mga titig niya. "Tungkol pala don...Julian---nagpapasalamat talaga ako sa 'yo. That night...nawala ako sa sarili ko. I lost my control. Basta ginawa ko lang 'yung akala kung tamang gawin nang mga oras na 'yun...at yun yung ipalabas dahil malapit na akong sumabog."

"Mylene..." Nag-aalala niya akong tinignan. Nginitian ko siya. "Ok na. Nailabas ko na kaya ok na ako. Salamat nalang sayo dahil sinundo mo ako nung sabog na ako." Natatawa kung sambit.

"Bakit kailangan sarilihin mo?" Napatigil ako sa pagsigaw niya. Galit siya. "Mylene, andito naman ako. You should asked me. Dahil hinding-hindi ako magdadalawang isip na samahan ka. Mylene alam mo namang importante ka sakin diba?" I wanna cry. Pero this is not the right place. Really Julian? Am I important to you? What? As your bestfriend? Yeah! Ano pa ba? Haays!

Pero pano ko sasabihin sayo kung ikaw naman talaga ang dahilan.

Umiling ako saka ako ngumiti. "I know. Pero may mga bagay lang talaga na ikaw lang dapat humarap. Hindi pweding sa lahat nang pagkakataon, you will defend into someone." Dahil may ginawa akong desisyon nung araw na 'yun. Alam mo ba? Disesyon na sobrang hirap sakin pero kailangan.

Humakbang siya palapit sakin saka niya ako hinawakan sa waist ko. "Mag-usap tayo sa ibang lugar." He said.

"Sor--Um--hello?" Sabay kaming napalingon sa kalalabas lang nang pinto na si Harley. Saved!

Tinignan ko si Julian saka ko hinugot ang kamay ko dahilan para mapatingin siya sakin. "Ano kasi---may pupuntahan kami ni Harley--kaya nga andito ako." Wika ko.

"Sorry natagalan ako. Nawawala kasi 'yung relo ko kaya hinanap ko muna." Wika ni Harley nang makalapit siya sakin.

"Ok lang." Maikli kung sagot.

"Teka? Nag-uusap ba kayo?" Tanung niya saka niya binaling kay Julian ang tingin niya.

"O-oo! Pero tapos na." Nilingon ko siya. "Sege, Julian. Next time nalang ulit." Paalam ko. "Tara na, Ley!"

Behind His ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon