Chapter -12: A Dance

736 14 0
                                    

Mylene POV

[ Np: Somewhere Down The Road ]
- Rosselle Nava

Nakayuko lang ako habang nasa mga balikat niya ang kamay ko at nasa bewang ko naman 'yung kamay niya. Grabi, ang lapit namin.

Totoo ba 'to ? Sumasayaw kami ni Julian ? Grabi hindi parin ako makapaniwala. Akalain mo 'yun, isa sa mga pinakasikat hindi lang sa school namin ay kasayaw ko ngayon.

Pero syempre bawal umasa, kilala ko si Julian. Babaero siya. At sobrang gwapo. Kaya sobrang imposibleng magkagusto siya sakin.

Erase. Erase. Ano ba 'tong iniisip ko. 100% sure naman talaga yung hindi siya magkakagusto sakin. Im just a nobody.

Napalingon ako 'don sa table namin kanina at nakita ko si Dylan at Audrey, mukhang nagtatalo na naman yung dalawa. Siguro in the other way, sinadya nilang iwan silang dalawa 'don. Bagay kaya sila, sobra! Imposible kayang magkagustuhan sila ?

"Bakit hindi nalang ako tignan mo keysa sa kanila." Agad akong napatingin kay Julian nang bigla siyang magsalita.

"Hihi" Waah! Hindi ko alam kung ano ba 'yung sasabihin ko.

"You know what, you're beautiful" he said. Nagulat naman ata ako 'don. Yumuko ako dahil feeling ko namumula yung mukha ko.

"Wag ka ngang magjoke" sagot ko.

I heard him chuckled kaya napatingin ulit ako sa kanya. Pinaglalaruan ba ako nito ?

"Your cute when your blushing. Kahit madilim kita ko 'yun." Then he winks. Waaah! Tae naman. Ganito ba si Julian sa mga babae niya. Grabi, pero dapat di ako magpa'epekto. Alam ko na yang mga the moves na 'yan.

"Alam mo, kung paglalaruan mo lang ako. Please wag na. Napagdaanan ko na yan kasi eh! Ang sakit lang." I smiled bitterly."Sobra"

Huminto siya pag'sayaw at tinignan ako ng seryuso "What do you mean ?"

Hala! Ano ba 'yung sinabi ko ? Bakit may hugot? Face Palm!

"H-huh ? W-wala 'yun. Tara balik na tayo sa table." Bumitaw agad ako sa kanya at nagsimulang maglakad papunta sa table namin kanina.

Teka ? Nasan na 'yung dalawa ?

"Where are they ?" Asked Julian.

"I dont know." Ako, sabay libot nang tingin baka sakaling makita ko sila pero wala na sila. Pati si Klenn wala din.

"Nasaan na sila Audrey ?" Tanung ni Yna, nakakabalik lang.

Umiling ako. "Hindi ko alam."

"Umuwi na sila." Sagot ni Julian habang nakatingin sa cellphone niya.

"What ?" Yna.

"Hinatid na ni Dylan si Audrey sa inyo. Nagtext siya sakin." Sagot ulit ni Julian na ngayo'y nakatingin na kay Yna.

"Siguro this night is over. Ihahatid ko na kayo babes." Tommy.

"Ako na maghahatid kay Mylene." Nagulat naman ako sa sinabi ni Julian. Seryuso ba siya ?

Biglang tumaas ang kilay ni Yna. "Hoy Julian. Tandaan mo kaibigan ko yan. Wag ko yang itulad si Mylene sa mga babae mo!." Ang taray talaga nitong si Yna.

Biglang tinaas ni Julian ang dalawa niyang kamay. "Relax! Ano ka ba Yna, baka matakot niyan si Mylene sakin. Tsk! Wag kang mag-alala ihahatid ko lang siya. Tsaka baka maumay lang siya sa inyo pag sa inyo siya sumabay. Alam mo naman, dinaig niyo pa ang asukal sa kasweetan." Julian. Palihim akong napangiti sa sinabi niya.

"Aba! Bitter Bro ?" Natatawang sabi ni Tommy saka niya inakbayan si Yna. "Wag kang mag_alala Mylene kahit manyak yan ay safe ka naman sa kanya. Haha Sege una kami."

"Julian." Yna sabay gesture na 'im watching you' . "Sege My, kita nalang tayo sa bahay." At tuluyan na silang umalis. Teka ? Waah! Si Julian makakasama ko ?

"Lets go ?"

"Sege."

Tahimik lang kaming naglalakad ni Julian hanggang sa makarating kami sa Parking lot. Nung malapit na kami sa sasakyan ni Julian ay natigilan ako ng may nakita akong dalawang tao na kilalang-kilala ko.

Sa mga oras na 'to, bumabalik na naman 'yung sakit. Makita ko lang sila parang sinasaksak na ang puso ko. Gusto kung umiyak pero this is not the right. Not in their front.

"Its that you Mylene ? Oh my God! What happen ?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Yan na ba ang resulta nang pang-iwan ng boyfriend ko sayo ? Hindi ka parin ba nakakamove-on Mylene ?" Natatawa niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya. Its been two years pero everytime na makikita ko siya bakit ganun parin yung epekto ? Bakit ganun parin kasakit. Tuwing nakikita ko siya, naalala ko 'yung lahat. Yung pangloloko niya, yung alam mong pinaglaruan ka lang. Yung sakit, andito parin eh!

Nakatingin lang siya sakin. Ang laki narin nang pinagbago niya. Mas naging matured na siyang tignan ngayon. Pero ganun parin, gwapo.

Napatingin ako kay Lea ng bigla niyang ipinulupot yung kamay niya sa braso ni James. "Move-on Move-on din pag may time, Mylene. Alam mo, pangit ka na nga noon, mas pumangit ka pa ngayon." Sabay tawa ni Lea nang malakas.

"Excuse me ? Are you referring to yourself ?" Agad akong napalingon kay Julian na ngayoy nakatayo na sa gilid ko. Mukha siyang galit. Tapos muntik ko pang nakalimutan na kasama ko nga pala siya.

Nakakahiya. Sobra! Nasaksihan niya pa ang lahat nang ito. Lupa kainin mo na ako please!

"Ju-Julian ?" Hindi makapaniwalang tanung ni Lea. Mukhang nagulat ata siya. Sikat nga kasi ang Power4 kaya hindi na ako nagtaka kung kilala niya si Julian.

"You know what ?" Tinignan ni Julian si Lea mula ulo hanggang paa. "May make-up ka man o wala, pangit ka." Nanlaki parehas ang mata namin ni Lea sa sinabi ni Julian. "Kasing pangit ng ugali mo. Sabihan mo pa ng pangit ang girlfriend ko. Ako ang makakalaban mo." Nagulat na naman ako sa sinabi ni Julian. Girlfriend ? Ako ?

Napatingin ako kina James at Lea mukhang mas nagulat ata sila sa sinabi ni Julian. "Boyfriend mo siya, Mylene ?" James asked.

Napatingin ako kay Julian. Ngumiti siya sakin. At sabay hawak sa kamay ko. Nilingon ko si James at nakatingin siya sa kamay namin ni Julian. "O-ou" Sagot ko.

"Let's go" Julian said. Saka niya ako hinila. Nung nasa likod na kami nila ay biglang huminto si Julian at nilingon yung dalawa. "By the way, Bro. Salamat sa pag-iwan sa kanya huh. Alam mo kung bakit ? Coz, she dont deserves a man like you. True love never choose any person you like, it depends true feelings in your heart " Sabay hinila ulit ako ni Julian.

Nang makarating kami sa kotse niya pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Pumasok naman si Julian sa Driver seat.

Tahimik lang kami sa byahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hindi ko kasi magawang tignan si Julian. Sobrang nahihiya ako sa kanya.

"Where here" Agad akong napatingin sa paligid. Hindi ko man lang namalayam na andito na kami sa tapat ng bahay nina Yna. Sobrang na pre-occupied ako.

"Sege. Salamat sa paghatid, J-Julian" Hindi ako makatingin sa kanya. Bubuksan ko sana 'yung pinto ng bigla niyang hawakan ang isang kamay ko. Napatingin ako 'don.

"Are you Ok ?" Nag-aalalang tanong niya.

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam na may ganitong side pala si Julian. Akala ko, wala siyang pakialam sa iba. Nagkamali pala ako. Ngayon ko lang nakita ang ganito niyang mukha. Yung mukha na sobrang nag-aalala.

I smiled. "Im ok. Thank you pala kanina huh. Sege ingat ka sa pagmamaneho." At tuluyan na akong lumabas sa kotse niya. Hindi ko na kayang magstay. Feeling ko kasi naiiyak na ako.

Hanggang kailan ba ako ganito ? Hanggang kailan ba ako masasaktan ?




To be continue...




Behind His ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon