Audrey POV
Nakaupo ako sa isang upuan paharap sa malaking salamin. Nakakatitig sa reflection ko sa malaking salamin nang may biglang humawak sa balikat ko.
"Ang ganda-ganda mo, anak" Agad akong tumayo at niyakap siya.
"Mom!"
Niyakap ako ni Mommy pabalik nang mas mahigpit. "Ang baby ko...ikakasal na." Bahagyan akong lumayo at tinignan si Mommy. I pouted when I saw her tears falling from his cheeks. Hindi ko tuloy mapigilang maluha. Gaya-gaya eh!
"Mommy" Pinunasan ko ang luha niya. Tumawa nang mahina si Mommy at pinunasan din ang luha sa pisnge ko. "Wag kang umiyak. Masisira make-up mo."
"Ikaw kasi..."
Huminga nang malalim si mommy at nginitian ako at hinaplos niya ang pisnge ko. "Masayang-masaya ako ngayon dahil alam kung nahanap mo na ang taong magmamahal nang higit pa sa pagmamahal na binigay namin sayo." Mom held my hands. "Basta always remember...kahit may sarili ka nang pamilya...ikaw pa rin ang baby namin nang daddy mo. Okay?" Tumango ako at niyakap ulit si Mommy.
"I love you, mom."
"I love you too,baby." Kumalas si Mommy at nginitian ako. "Congratulation, anak."
"Wow! What a beautiful bride."
"Dad!" Mabilis akong lumapit kay Daddy at niyakap siya. Lumayo ako at inayos ang necktie niya.
"Bakit kayo umiiyak?" Takang tanung niya habang nagpalipat-lipat nang tingin samin ni Mommy.
"Si mommy po kasi." Nakanguso kong sinabi.
Tumawa si Dad. "Kagabi pa 'yan. Iyak nang iyak, akala niya bibitayin ka na."
"Tumahimik ka 'jan, Edward!" Pero tinawanan lang siya ni Daddy habang nagpupunas nang luha. Hinila ko si Daddy palapit kay Mommy at niyakap sila pareho.
"Basta! Baby niyo pa rin ako."
"Our baby damulag."
"Dad!"
___
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan na excited na ewan. Pero mas nangingibabaw ang saya. Ang saya-saya ko. Matutupad na rin 'yung isa sa mga pangarap ko noon, ang maglakad sa aisle papunta sa lalaking mahal na mahal ko at kasamang haharap sa altar- ang makasama siya habang buhay.
Ang saya ko dahil sa pangalawang buhay ko, naging ganito ako kasaya. Akala ko noon, imposible na ang lahat nang ito dahil sa sakit ko pero God gave me another chance--another life at ang mga bagay na akala ko lang noon ay ang mismong nae-experience ko ngayon-ang mga bagay na ginagawa ko na ngayon. At ito, ang isa sa mga 'yun, ang ikasal sa taong mahal na mahal ko.
Unti-unting bumubukas ang malaking pinto kasabay nang pagtugtog nang piano. Halos lahat nang tao ay nakatingin sakin. Tahimik at tangging tugtog nang piano at flashes ng camera ang naririnig ko. Nangangatog ang mga tuhod ko but thanks to my parents who's with me.
I slowly walking at the aisle at nasa harapan lang ako nakatitig. My smile automatically form when I saw him, looking at me with a bright smile. Ang gwapo naman nang mapapangasawa ko. He's wearing a white tuxedo that makes him more attractive. Aish! Basta over all ang gwapo ni Dylan. Drooling--joke lang! hihi
"Please take care of our daughter, Dylan." Dad said whem he reaches his hand to Dylan.
Inabot ni Dylan ang kamay ni Daddy at nagshakehands sila at nag man-to-man hug. "I will, Sir"
BINABASA MO ANG
Behind His Coldness
Genel KurguLimang taon na simula ng mawala ang babaing pinakamamahal niya. At wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili niya. Dahil 'don pinagbawalan niya ang sarili niyang maging masaya, Dahil para sa kanya wala siyang karapatang maging masaya pagkatapos ng...