Chapter -8: War

865 14 0
                                    

Mildred Pov

"Alam niyo na ang gagawin niyo sa babaing 'yun. Simulan na natin mamaya." Makikita nung babaing 'yun kung sino si Mildred Sy. Akala niya ganun ganun nalang 'yun. Pwes nagkakamali siya dahil sisiguraduhin kung matitikman niya ang hell na ako mismo ang gagawa para sa kanya.!!

**

Audrey POV

Katext ko ngayon si William. Wala kasi 'yung instructor namin kaya pwedi akong magte-text.

Tapos ang sarap pa niyang kausap. Hindi ka talaga mabo-bored.

"Cuz, samahan mo nga ako." Yna.


"Saan ?"



"Basta" saka niya ako kinaladkad palabas ng classroom namin.. Ou' kaladkad talaga. Walanghiya babaing 'to. Kung alam niya lang sana na bawal 'to saking ginagawa niya. Hmp!

Saan kami pupunta ? Teka ? Wag mong sabihin na... Hinila ko agad ang kamay ko na hawak ni Yna kaya napahinto siya sa paglalakad at kunot noo akong tinignan.

"May problema ba ?" Tanung niya.

Umiling ako saka pilit na ngumiti. "Diba bawal 'jan ?" Papunta kasi kami sa tambayan nung boyfriend ni Yna. Eh diba sabi ni Mylene bawal daw 'don.

"Ok lang 'yan. Kasama mo naman ako. Let's go." Hahawakan na niya sana yung kamay ko nang bigla akong lumayo.

"Sandali lang Cuz. Kasi ano..." Grrr! Pano ko ba sasabihin na hindi ako pweding pumunta jan ? Eh sa ayaw kong makita 'yung Yelo na 'yun. Tss! Umiinit na naman 'yung mukha ko tuwing naalala ko 'yung nangyari kahapon. Arrrg!

Naglalakad ako sa hallway habang umiinom ng fruit shake. Bawal 'to sakin pero nauuhaw talaga ako eh! Napahinto ako sa paglalakad ng biglang magvibrate ang cellphone sa bulsa ng skirt ko kaya agad ko itong tinignan.

Unknown Number
Hi Audrey! This is William. Save mo number ko ha ? hahaha xD

Hindi ko mapigilang mapangiti. Nireplayan ko siya habang nagsisimulang maglakad.


*boogs*

"Aw" daing ko dahil sa nakabanggaan ko. Parang bato eh. Ang tigas! Napatingin ako sa cellphone ko sahig na nagkalasog-lasog! May ghad! Iphone6+ 'yun eh!

"What the hell! Ang lagkit. Fuck!" Agad akong napatingin 'don sa lalaking nakabanggaan ko. At nga-nga! Sa lahat ba naman ng tao. Why him ?

Tinignan niya ako nang masama. Natapunan kasi siya ng Fruit Shake. "What ? Lost your tounge ha!" Galit na sigaw niya. Saka niya pinagpagan 'yung damit niya.

"So--sorry. Hindi ko sinasadya" naman oh!

"Minsan yung katangahan iniiwan sa bahay. Tanga-Tanga eh!" Teka ? Ako lang ba tanga ? E dapat pati siya dahil kung nakatingin siya sa dinadaanan niya edi hindi kami nagbanggaan!

"Tanga ka rin" bulong ko sa sarili ko.


"Did you say something. ?" Galit na tanung niya. Tss! Gwapo nga bingi naman. Ayos!

"Ha ? Sabi ko pupunasan ko nalang 'yang damit mo." Lalapit ko na sana siya para punasan 'yung damit niya gamit ang panyo ko nang bigla siya napatingin sa dibdib ko at umiwas agad. Problema nito ?

Behind His ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon