Tommy POV
Andito kami ngayon sa loob ng cafeteria. Hinihintay na dumating 'yung mga babae sa buhay namin.
Nang makita kung pumasok na sina Yna ay kinawayan ko sila.
"Hi Babes" bati ko sa kanya nang makalapit sila samin. "Hi Mylene" Bati ko din kay Mylene.
"Hello Tommy." Bati ni Mylene pabalik.
"Dito ka na, May." Tawag sa kanya ni Julian. Lumapit naman siya at umupo sa tabi ni Julian.
"Di niyo pa rin kasama si Audrey, Babes ?" Tanung ko nang mapansing hindi nila ito kasama. Actually, mag tatatlong araw na nung huli namin siyang nakasabayan.
"Yeah. Di pa kasi tapos 'yung ginagawa nila." Sagot ni Yna Babes.
"Sino ba kasama niya?" Asked Julian. Itong taong to, nakabuntis lang sumeryuso na. Langya!
"Si Spenser." Sagot ni Mylene.
"Lalaki pala kasama niya?" Sinadya ko talagang palakasin 'yung boses ko. May pinariringgan kasi ako. Bwahaha.
Mukhang nagets naman ako ni Yna babes kaya sinabayan niya ako. "Yeah. Actually sila lang dalawa. Iwan ko ba kung bakit natagalan sila sa paggawa 'nun."
"Mapagkakatiwalaan naman ba 'yung lalaking 'yun?" Tanung ko.
"Siguro." Sagot ni Yna.
Boogs
Napatingin kami kay Dylan nang pabagsak niyang binitawan ang tinidor na hawak niya. Tumayo siya saka walang salitang umalis.
"Uh-oh. Someone is jealous" said Yna.
"Si Dylan? Magseselos?" Sabi ni Mylene. Napatingin kami sa kanya. "-Eh bakla si Spenser."
Nagkatinginan kaming apat at sabay na nagtawanan."Wengya!" Julian.
"Hahaha"
**
Audrey POV
"Ayan! Buti naman natapos na natin." Masaya kung sinabi kay Spenser. Gumagawa kasi kami nang isang robot na gawa sa iba't ibang materyales. Lalaban kasi kami sa science fair.
"Ou nga eh. Dahil 'yun sa brilliant mong idea, Audrey" sinabi niya.
Tinignan ko siya. "Dahil 'yun sa'ting dalawa." Masaya kung sabi. Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap.
Boogs!
Agad kaming napakalas ni Spenser nang marahas na bumukas ang pinto.
"Dylan?" Ano bang problema niya. Pero sobrang nakakatakot yung aura niya.
Napalingon ako kay Spenser na nasa gilid ko. Mukha siyang natatakot.
Hinarap ko si Dylan. "Ano bang problema mo?" Tanung ko. Hindi siya sumagot pero lumapit siya samin at hinawakan ako sa kamay. Tinignan niya saglit si Spenser. "Let's go" hinila niya ako pero hindi ako nagpadala. Tinignan niya ako nang masama.
"Ano bang problema mo?!"bulyaw ko sa kanya. Hindi ko kasi siya maintindihan.
"Lets go" matigas niyang sabi.
"No!" Sagot ko.
"F*ck!" Boogs! Sinipa niya lang naman 'yung upuan saka siya lumabas.
"Au-audrey." Napalingon ako kay Spenser.
"Sorry" hingi ko nang paumanhin.
"Nah. Okay lang gurl. Pero di mo naman sinabi na boyfriend mo pala si Fafa Dylan." Sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Behind His Coldness
Fiksi UmumLimang taon na simula ng mawala ang babaing pinakamamahal niya. At wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili niya. Dahil 'don pinagbawalan niya ang sarili niyang maging masaya, Dahil para sa kanya wala siyang karapatang maging masaya pagkatapos ng...