Chapter -10: Stuck

830 14 0
                                    

Audrey POV

"Waiit" sigaw ko. Buti nalang hindi ito tuluyang sumara. Papasok na sana ako nang matigilan ako sa nag-iisang tao na nakasakay dito. Sa lahat ba naman ng taong makakasabay ko sa elavator, bakit siya pa.

"Sasakay ka ba o hindi ?" Walang emosyong tanong niya. Ayan na naman siya.

Pumasok na ako sa loob. Sana naman may humabol pa. Pero sad to say wala. Kami lang dalawa. Tahimik lang kami, bakit nga ba kami mag-uusap eh hindi naman kami close.

Biglang kumalampag ang elevator at huminto ito bigla. Nawala ako sa balanse kaya napasandal ako sa kanya. Shemay!

Bigla siyang napatingin sakin kaya mabilis pa sa alas kwatro akong napaayos ng tayo. Nakakahiya naman 'yun.

"T-teka anong nangyari ?" I asked. Para mawala naman yung awkwardness. Lumapit ako sa pintuan nitong elevator at sinubukang buksan. Pero ayaw. Sinubukang kong pindutin 'yung mga button sa gilid. Pero wala parin.

"Hala! What happen ?" Nagsisimula na akong magpanic. Palagi nalang ba akong makukulong ?

"Tsk. Cant you see ? We're stuck." Agad akong napatingin sa kanya. Stuck ? Kami na stuck ? Tapos kung sabihin niya parang wala lang sa kanya.

"No. We can't stuck here. I need to go." I said. Saka ko sinubukang ulit buksan 'yung pinto. "Hello!! Can you hear me ?! May tao po dito!! Tulungan niyo po kami!!!... Hello!!!"

"Tsk! So noisy! Will you please shut up. You just wasting your time." Agad akong napalingon sa kanya. At ang walanghiya nakasandal lang sa pader habang nakacross arms. Ang cool ah. Hindi ba siya nagpapanic ? Mukhang hindi nga.

"Do something. Tatayo ka nalang ba 'jan ?"

"What do you want me to do. Scream like what you did ? No way. Im not idiot as you are." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. So wala nga siyang gagawin ? Tapos sinabihan pa akong bubu ? Amp.

"Ako bubu ? Buti nga ako diba may ginawa para may makarinig satin at tulungan tayong makalabas dito. Keysa naman nakatayo lang 'jan at naghihintay nang milagro. Pano kung walang makarinig o makakita sa elevator na 'to na nasira ? Ayaw kung mastuck dito no."


"Then do whatever 'you want." =___=
Arrgg. Wala talaga akong maasahan sa lalaking 'to.

Sinubukan ko paring sumigaw baka sakaling may makarinig. Pero nakakaramdam na ako ng sakit sa lalamunan pero wala paring nangyayari. Mag'two'20 minutes na kami dito. Tapos nagsisimula na akong mainitan. I need some air.

"Alam mo, kahit sumigaw ka pa ng sumigaw jan, walang makakarinig sa yo. Know why ? Because its soundproof." Soundproof ? Bakit ngayon niya lang sinabi. Napaka niya talaga. Arrg! Napakawalanghiya!

Pinapanood ko lang siya hangang sa maupo siya sa sahig. Wow ha! Pati pag-upo ang cool parin niya. Dahil sa pagod na rin ako kakasigaw ay umupo nalang din ako. Pero may distansya kami. Nakaharap lang kami sa pinto. Yakap-yakap ko 'yung dalawa kung binti.

Nakakabingi naman. 'Tong kasama ko parang nakatulog na ata kasi nakapikit siya eh. Kaya hindi ko maiwasang mapapatitig sa kanya.

Ayan ka naman sa pagtitig na 'yan Audrey. Baka mahuli ka na naman niyan.

Pero hindi ko kasi maiwasan siyang tignan. Gwapo nga talaga siya. Ang tangos nang ilong. Yung makapal niyang kilay. Yung mahaba niyang pilik-mata. Tapos...Tapos 'yung mala heart-shaped niyang bibig na natural 'yung pagkapula. Grabi, akala ko sa mga artista lang ang ganito na halos ka perfect na tao. Hindi pala, dahil may isang taong ganun ngayon. Na kasama kung naStuck dito sa Elevator. Dylan.


Behind His ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon