Chapter 17: The Secret

1 0 0
                                    



Chapter 17: The Secret

Lawrence POV

Sumakit lalo yung ulo ko nung narinig ko yung pinag usapan nila zuzzette at megan. Alam na niya anong gagawin ko kailangan kumilos ako dahil alam kong may gagawin siya pero paano? Anong gagawin ko? pano ko ipapaliwanag sa kanya lahat kung galit na galit siya saakin ano nalang gagawin ko kung nag kataon bwisit talaga, hindi ko naman magawang sisihin si megan siguro nadala lang siya ng emosyon kaya ganun siguro ito na talaga ang panahon para malaman niya pero hindi pa ako handa---basta sisikapin kong lampasan to kailangan niya akong pakinggan sa ayaw at gusto niya.

"Rence inomin mo na tong bagong resetang gamot sayo ng doctor para ma-pabilis yung mag galing mo."

"I don't need that. Mamatay din naman ako para san pa yan kung dun din ako pupunta."

Napatigil ako sa sinabi wow ako ba to dati-rati kung mabaliw ako ng sobra para lang hindi mamatay ng maaga pero ngayun parang gusto ko na parang feeling ko okay na ako parang wala ng mabigat sa loob ko siguro dahil alam kong wala na akong nasasaktan, siguro dahil hindi na ako nag sisinungaling sakanya.

"Rence kaya mo pa yan diba, sabi mo hindi ka susuko para sakanya bakit ngayun ang hina na ng loob. Pleasee lumaban ka naman marami kaming nag hihintay sayo, sa pag galing mo."

Naaawa ako sa bestfriend ko wala siyang ginawa kundi suportahan ako sa lahat ng bagay na gusto ko. Alam ko naman dati na gusto niya ako pero hindi pwede dahil mahal ko din yung bestfriend namin, mahal ko si penelope kaya hindi pwede tinanggap naman niya kami kahit masakit sa kalooban niya yun, alam kong nasaktan siya pero hindi niya ako binigyan ng sakit sa ulo bagkus hinayaan niya kaming maging masaya.

Pero akala ko lang pala yun akala ko pag tapos nung naging kami ni penelope at pag sasabi ko ng totoo kay zuzzette akala ko tapos na, akala ko magiging masaya na kaming lahat pero mali nanaman ako masyado akong naging kampante na masaya kami, masyado akong naging masaya to the point na hindi na ako na bahala sa mangyayari sa susunod na araw.

Nalaman namin na may cancer ako sa brain. Brain tumor ang tamang tawag nung una kong nalaman to para akong binuhusan ng malamig na tubig wala akong gusto isipin kundi yung family ko, yung mga kaibigan ko at yung babaeng pinaka mamamahal ko hindi ko sila kayang iwan basta-basta masakit sakin malaman pero wala akong magawa.

Flashback

Naisipan kong yayain mag date si Penelope sa mall para maka bawi ako kasi medyo naging busy ako sa school kaya hindi ko siya na bigyan ng time kaya naman agad ko siyang tinawagan para ipaalam sakanya  na mag da-date kami.

Isang ring pala sinagot niya agad, napangiti nalang ako habang hawak ko yung phone ko.

"Hello"

"Pen can I ask you something?"

"What's that?"

"Can I ask you a date?"

"Ahmmmm"

"Sure!"

"I fetch you up after lunch okay seeyou bye"

"Bye"

Then I hang up the phone. Yes! pumayag siya sana maging maganda tong date namin, gusto kong maging memorable lahat.

****

After ko siyang sunduin nakarating naman kami ng buhay sa SM syempre una namin ginawa kumain at nag punta sa world of fun.

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon