OFFICIAL NA??

283 7 1
                                    

MIKKO’S POV

“sa tent ka nakatira?”  tanong ko…

“ha?? Ah eh! Opo… hehe…”

Sa tent siya nakatira pero tumatawa pa rin siya??

“eh, nasan ang mga magulang mo??” tanong ko pa…

Ngumiti lang siya at tumungo tapos… mahina nyang sinabi…

“wala na akong magulang…”

Nanatili ang katahimikan samin…

Walang…

magulang…

o.O

pero nakukuha pa niyang ngumiti??

“tahaha… bakit ka nga pala nandito kuya? ^___^”

nauna na siyang magsalita…

kung makangiti naman to wagas… abot langit eh… parang walang kulang sa kanya ah….

“wala lang... gusto ko lang masigurado na ligtas kang makakauwi…”

Yun na lang yung sinabi ko pero hindi ko talaga alam kung bakit ko siya sinundan…

“wow! Bait ni kuya ko!! Gusto mo po pumasok?”

Kasya kaya ako dito??

“sige..”

Sobrang liit ng tent… tulugan lang talaga… paano siya nakakatagal dito?

“pasensya na kuya ha… maliit lang ang bahay ko tsaka wala rin akong maiaalok sayo eh…”

Hindi nga maliit eh… sobrang liit… hehe… pinulaan ko pa… tss… totoo naman kasi…

Napatingin ako sa kaliwa…

“oh… ano to?” sabay kuha sa isang notebook..

Nang buklatin ko saka ko nalaman na ito pala ay kwento…

“nagsusulat ka pala ng kwento?” sabi ko sa kanya …

tapos siya… ayun, ngirit na ngirit….grabe naman talaga tong ngumiti… todo-todo eh… hehe…

“opo…” sagot niya saka pinagpatuloy ang pagngirit niya…

“gusto mong sumali sa writer’s club?” tanong ko…

“writer’s club?? Naku! Nakakahiya…”

Ngayon pa siya nahiya? Kinakausap niya nga ang halaman pero hindi siya nahihiya eh… -___-

“pero kung mapilit ka, sige na nga… tahaha…”

Hindi ko pa nga siya pinipilit, pumayag na agad… ibang klase…

“sige, bukas, sasamahan kita doon,”

“paano kung hindi ako matanggap?”

“matatanggap ka dun, assistant ako ng EIC dun at sasabihin kong tanggapin ka…”

“hala! Suhol! Ayoko kuya! Gusto ko sariling pagsisikap ko!”

“oh, sya! Oh sya! Sige na!”

Lumalalim na yung gabi este sumisikat na pala ang araw, siguro, kailangan na naming matulog kaya nagpaalam na ako at umuwi na…

Kinabukasan, napadaan ako sa room nila… nakita ko si Pochi…

-___-

napalabas na naman siya?? Hehe… kaawa-awang bata…

lalapitan ko sana pero may nauna sa akin…. Tatlong babae… Kaibigan niya ba yun???

*             *             *             *

“Oh! May beggar oh!” sabi ng isang babae…

“Ano ba yan? Ang pangit mo naman pero bakit ka nilalapitan ni Prince?” sabi ng isa pang babae.

“Kala mo naman kung sino kang maganda…” sabi ni Pochi….

“Oopss! Hindi ko sinabing maganda ako… ang sabi ko lang… pangit ka…” dugtong pa ng babae…

*             *             *             *

Lumapit ako sa kanila…

At lahat sila mukahang nagulat…

Lumapit ako kay Pochi…

“Pochi… tumayo ka nga dyan… Tara na…”

At hinila ko siya…

Naiwang tulala naman ang talong babae…

Si Pochi naman mukahang gulat na hindi alam kung anong nangyayari…

Haist! Parang bata talaga to… Tumigil ako at tumingin sa kanya

“dapat tinawag mo ako kanina sa harap nila..” sabi ko…

“Eh…” mangangatwiran pa sana siya pero pinigil ko…

“Ayokong makitang inaapi ka… Ayoko na inaapi ka ng iba…”

“……”

AW!

Bakit ko ba ‘to sinabi?

“Ayokong may umaapi sa kapatid ko…” palusot ko…

Biglang nagliwanag ang mata niya.

“Kuya na talaga kita??” tanong niya…

Paulit-ulit?? -___-

“KUYA!! I LOVE YOU KUYA..” tapos niyakap niya ako…

Simula noon, lagi na kaming magkasama ni Pochi…

Pag may umaapi sa kanya, nagsusumbong agad siya sa’kin, nakasali din siya sa writer’s club…

ang galing nga niya magsulat eh… siya ang may pinakamaraming nae’encode na storya. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang oras niya sa pagsusulat gayong palagi naman siyang may ginagawa,

“Kuya! Kuya! Tamo oh! Perfect ako sa exam..”

Ganyan sya, minsan nga, pakiramdam ko, ako yung tinuturing nyang magulang pero ayos lang.. para sa isang taong walang magulang, kailangan niya ng masasandalan.. at minsan, parang bata din ang turing ko sa kanya…

“wow! Ang galing naman! Eto reward mo!” may Kinuha ako sa bulsa… “CLORETZ”

Hindi ko din alam kung bakit nagkaganun pero masaya na din…

“tahaha… thank you kuya…” sagot niya… tapos biglang nawala yung ngiti niya…

“ oh ano problema? Hindi ka na ba sapat sa isang cloretz? Gusto mo dalwahin ko na?” sabi ko

“hindi kuya… tahaha.. kasi ano eh…” sabi niya tapoz pinukpok yung hita niya…

Ah, baka masakit??

“Hindi pa kasi ako binabati ni Brian eh…”

“Bakit ? birthday mo?”

“kuya naman eh! Hindi…” sagot niya…

“…. 6th monthsary namin …” dugtong pa niya…

...........

“Baka may surprise?”

“tahaha… baka nga!”

______________________________________

nang dahil sa ballpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon