SI POCHI

522 12 4
                                    

Punta na ako sa trabaho ko..

Walang mangyayari kung hihintayin ko siya..

5:00 pm – 7:00 pm ang shift ko para maghatid ng mga dyaryo at 7:00 pm – 3:00 am naman ay janitor ako sa hospital..

Grabeh!! Ang hirap talaga pag walang kumukupkop sayo.

Kailangan mong makipagsapalaran..

At mabuhay mag-isa..

Opo.. wala akong magulang..

Wala akong kasama sa lahat..

Galing ako sa bahay ampunan..

Pero sumabog iyon at ako lang nakaligtas dahil tumakas ako para maglaro sa labas..

Pero pagbalik ko….

WALA NA..

SIRA NA..

Nasusunog na yung bahay ampunan..

TT_____TT

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa…

Dahil buhay pa ako..

O malungkot..

Dahil wala na akong tahanan at mga kaibigan.. TT____TT

Pitong taong gulang pa lang ako nun..

Ang buong akala nang lahat, walang nakaligtas sa pagsabog..

Walang nag-alala sa kin

Wala silang pakialam sa akin..

TT_____TT

Sa murang edad ko, natuto akong mabuhay mag-isa,

Namulot ako ng basura para ipagbili nang may mailaman lang sa aking tiyan..

Naranasan kong magtago sa mga batang nanghahabol makuha lang yung perang pinaghirapan kong kitain..

Nakatulog na din ako sa kalye kahit may bagyo..

Tuwing pasko o birthday ko, hindi manlang ako nakatanggapng regalo..

Pitong taong gulang pa lang ako pero mulat na ako kung gaano kalupit ang mundo..

Dahil sa kagustuhan kong mag-aral..

Lagi akong pumupunta sa likod ng pampublikong paaralan..

At sumisilip sa bintana para kahit papano ay matuto din naman.

Sa tuwing nakakapulot ako ng dyaryo..

Pinipilit kong basahin ang nakasulat bago ko ito ipagbili sa junkshop..

At dahil doon, natuto akong magbasa..

Siyam na taong gulang ako nang may makita akong isang pwedeng trabaho para sa akin.

Taga-deliver ng dyaryo..

Sobrang babait ng mga tao dun..

Pagkatapos kong maideliver ang mga dyaryo..

Tinuruan nila akong magsulat kaya natuto ako..

Ang alam nila, may pamilya ako..

Hindi ko sinabi sa kanila ang tunay kong pagkatao..

Siguro dahil nahihiya ako..

O kaya..

Ayaw kong kinakaawaan ako ng ibang tao..

Tuloy pa din ang buhay ko

napunta pa din ako sa likod ng paaralan para sumilip

natuto din naman ako dun ng konting ingles..

nang dahil sa ballpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon