EPILOGUE
Umulan na naman… Kailangan ko na makapunta dun…
“Manong, para po…”
Bumaba na ako sa Reyes Street… Nasaan na kaya si Mikko?? Takbo ako dito, takbo ako doon, nasan siya? Teka sabi niya, after five days daw, aalis na siya eh kelan nya ba yun isinulat sakin? Pangalawang araw na to na di ko siya nakikita…
UGH!! Nasaan ka na?
Napatingin ako sa gawing kaliwa… sa may pader, may nakaupo… ang daming sugat…
O____O
MI---…
“Mikko…” sabi ko habang natawid papunta sa kinalulugaran niya…
Ang dami nyang sugat… nilalamig din siya… napaluha ako ng nakita ko si Mikko… anong ginawa mo sa sarili mo?
Pinayungan ko siya… nang mapansin nya yung paa ko… tumingin siya sa’kin…
O___O –si Mikko…
“nakarating ka…”
Ngumiti siya tapos tumayo…
“pinili mo ako…” sabi nya na parang naiiyak tapos niyakap nya ako…
“Mikko…”
“Anong tawag mo sa’kin?” tanong niya pagkatapos nyang tanggalin ang yakap niya…
“Mikko…” ulit ko…
“hindi na kuya ang turing mo sa’kin??” parang kapos yung pagsasalita nya…
“Bakit… a… ang dami mong sugat? Kailan ka pa dito… Nakakainis ka naman ah! Bat mo pinapabayaan ang sarili mo?? Sana umuwi ka na lang sa inyo… tingnan mo tuloy nangyari sa’yo…” TT^TT
“Eh, di kung umuwi ako… hindi mo ako nakita, hindi ko nalamang ako yung pinili mo… Hindi ko pinabayaan ang sarili ko… pinasaya ko pa nga eh… Kita mo ngayon… nandito ko… pinabayaan ko ang sarili ko kung pinabayaan kita sa piling ng iba… Pochi… Mahal kita! Mahal na mahal…”
Tapos niyakap nya ulit ako…
TT^TT
Mikko… kung alam mo lang…
Pero sa pagyakap nya… bigla na lang syang natumba…
“Ah! Mikko…”
Napaupo ako…
“Tulong, tulungan niyo kami!”
Humarap ako kay Mikko…
“Mikko…”
Pilit kong ginigising si Mikko…
“TULONG!!”
TT^TT
“Mikko Please!! MIKKO!!!”
TT^TT
HANZEL’S POV
Pagkaalis ni Pochi tumingin ako kay Daniel… nakita ko siya, ang sama ng titig nya sa’kin tapos umalis siya… Ngayon, galit sya sa’kin?
D*MN! WHO THE HELL IS HE!
Pag-uwi ko… Kamusta na kaya si Pochi?? Nagkita na kaya sila??
kroo… kroo..
Oh? Someone was calling…
“hello…?”
“Hanzel… tulong!!”
“POCHI??”
BINABASA MO ANG
nang dahil sa ballpen
Jugendliteraturkahit ang writer naghahangad din ng happy ending