LOVE IS SACRIFICE PART II

216 3 0
                                    

LOVE IS SACRIFICE PART II

Gabi na at hindi ako makatulog… kaya naisipan ko munang magpahangin… Pagbaba ko sa salas… napansin ko bukas ang pinto… Kaya lumabas ako… napansin ko si Pochi, nandun, tulala…

“Anong problema?” tanong ko…

Nagulat  siya nang makita nya ako..

“Wala po…” tapos ngumiti sya…

Tumingin ako sa mga bituin…

“Pochi, babae din ako… Naranasan ko din ang nararanasan mo…”

Nakuha ko ata atensyon nya…

“Naranasan ko din mamili sa pagitan ng isang kaibigan at pag-ibig… naipit din ako dati sa ganyan…”

Bigla siyang napatingin sa’kin…. Tapos tumingin ako sa kanya…

“Paano ko nalaman? Sabi ko naman sa’yo, babae din ako at ramdam ko na nahihirapan ka… ramdam ko na mahal mo ang taong mahal ni Princess…”

Nakita ko tumulo yung luha niya…

“Nahihirapan na po ako…” tapos pinahid niya yung kuha niya…

“Sabi ko naman sa’yo, sundin mo lang ang sigaw ng puso mo… kapag yun ang sinunod mo, lahat magiging maayos…”

Bakas sa mukha nya ang magulong pag-iisip…

“Kung natatakot kang baka mawala ang pagkakaibigan… magtiwala ka lang… kung tunay ka nyang kaibigan … maintindihan ka nya…”

“Tita Mayeth…”

“Mama…” Mama na lang ang itawag mo sakin…

“M-Mama… Salamat po…”

Tapos niyakap nya ako..

POCHI’S POV

Eto na yung araw ng pagtatanghal para sa Theaterific… Papanoorin ko yun!

^______^

"Pochi! Buti nakita kita!!" si Ate Irene.... parang pagod na pagod...

"Hindi makakaattend ang bida... tinubuan siya ng chikenfox... kaya ikaw na lang ang pumalit!"

"Ha? bat ako???" O______O

"Pochi... ikaw ang writer! kaya alam mo ang daloy ng kwento... Pls... Pochi!!!"

O______O Haaa???

"Thank you!" Tapos hinila ako no Ate Irene.... >_____< Paano na to!!?

Nasa backstage na... Ang gulo.... Lahat buisy....

"Guys! make up-an nyo na si Pochi... Ayusan nyo na..."

Tapos ayun... inayusan ako.... >_____<

hindi ko alam ang gagawin mamaya.... Baka mapahiya ako....

"Yan Pochi, ayos ka na...." tapos iniharap sakin ang salamin....

-_____________- ang pangit!!!! Pangit mo Pochi....

"Wow Pochi! Ang ganda mo!"

-_____________- Bola.... sheess....!

"basahin mo yung script... re-call mo.... Start na tayo in just a minute...." sabi ni Ate Irene at iniabot sakin yung script....

"ganda mo ahh...." bolera si Ate Irene.... >_______<

"Teka! sinong leading man??" tanong ko....

"Si Prince...."

@_______@ PAKTAY!!

nang dahil sa ballpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon