LOVE IS SADNESS… L
POCHI’S POV…
Matapos kong masabi yun ng di sinasadya… sinabi ko kay Daniel na gusto ko mag-isa kaya hindi ako nagpahatid…
Pakiramdam ko … ayoko munang magtrabaho… wala naman sigurong masama? Ngayon lang naman ako aabsent eh… ahm… pangalawang beses pala…
Habang naglalakad ako pauwi, naisip ko? Dapat pa bang dun ako umuwi kahit na ginanun ko si kuya… tatanggapin pa kaya niya ako? POCHI kase!!!
TAE KA TALAGA! Bat mo kasi sinabi yun?
Umupo ako sa bench sa park…
“hay…” I sighed..
Inilabas ko yung drafts ng script na ginagawa ko… hindi ko alam kung matatapos ko pa to… sinubukan kong magsulat…
“okay, itututloy ko na to…” sabi ko…
…………………………. Pero wala akong maisip
…………………………………. Isip Pochi!!!
……………………………………..
Wala talaga…. >___<
……………………………………..
Try harder…
……………………………………………..
Bakante talaga….
AHH!!! I QUIT!! Hindi ko na alam kung pano to itututloy!! Sabihin ko na alang kay Ate Irene na hindi ko kaya??
Tumayo ako… at naglakad pero hindi ko alam kung saan ako pupunta… patuloy lang ako sa paglalakad… biglang…
“PEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPP………..”
Nagpatak yung mga drafts ko…
“naku iha… pasensya na… nagmamadali kasi ako… okay ka lang ba?” sabi ng baae habang tinutulungan nya akong… ayusin ang mga drafts ko… tapos saka ako tumango…
“buti naman… oh, sya sige… aalis na ako ha… ingat ka…” sabi ulit niya…
Sumakay na ulit siya sa kotse at umalis na…
Ang ganda niya… hait medyo may edad na… hehehe…
Hmmm… anong oras na ba? tiningnan ko yung cellphone ko… 5:10 na pala…
……………………………………….
Ang cellphone na to… bigay pa to sa’kin ni kuya, pinalitan nya kasi yung bigay sakin ni Brian… ang pangit daw kasi…
Maya-maya nakita ko ang sarili ko sa tapat ng bahay nina kuya…. Bahala na… Papasok na ako…
Dahan-dahan akong pumasok… Nang nasa loob na ako…. Kita ko siya, nanonood ng tv… anong sasabihinko? >___<
Magsorry na lang ako??
“kuya… / Pochi…” sabay kaming nagsalita…
“sige po mauna ka na…” sabi ko…
Tumayosiya tapos humarap sakin…
“pasensya ka na kung nasasakal ka na sakin… ngayon ko lang naisip… tama ka nga… hindi mo ako kadugo pero kahit ganun… minhal kita…” bigla siyang huminto… alam ko bilang kapatid yun…
“bilang kapatid…” dugtong pa niya…
Sabi na eh… TT^TT
“kaya Pochi… hindi na kita sasakalin… gawin mo ng gusto mo… wag mo na akong tawaging kuya kung gusto mo.. utusan mo ako kung yun ang makakapagpasaya sa’yo…”
BINABASA MO ANG
nang dahil sa ballpen
Novela Juvenilkahit ang writer naghahangad din ng happy ending