Chapter 7

691 14 2
                                    

this chapter is dedicated kay ate Assylany, siya po yung gumawa ng magandang cover ko :)))) Kung gusto niyo pong mag pagawa ng cover, pweding pwedi po sya. mag request lang kayo sa kanya for sure gagawin niya. Hihihihi magaling po siya ^__^

Anyways :)) next chapter na naman ^__^ thanks po sa nag babasa :))

VOTES AND COMMENTS ARE HGHLY APRECIATED ^__^

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Ugh! 9:05 na ako naka rating sa office. Bwisit! Sirang sira na umaga ko, late pa ako. Sheeeet talaga! Grrrrrr >___<

Sorry guys, sobrang init talaga ng ulo ko. Sobrang badtrip ako. Actually kahapon pa ‘to nung iniwan ako ng bwisit na lalaking yun. Umalis nalang basta basta, kinalimutan ba naman ako? Sheeet! Bwisit talaga. Hanggang ngayon badtrip parin ako, sino ba naman hindi? Na late lang naman ako dahil sa kakahintay sa bwisit na lalaking yun. Hindi manlang nag text na hindi ako susunduin. para sa ano pa yung number na hiningi niya? Sabi niya para ma text nya daw ako pag may sasabihin sya, eh ano ako ngayon? Nga Nga! Ni isang text man lang na ‘sorry hindi kita ma susundo’ wala akong na receive.

Bwisit talaga! Don’t get me wrong guys, ayoko lang talaga sa taong hindi tumutupad ng pinag uusapan. Hindi nya na nga ako hinatid kahapon eh, hindi niya pa din ako sinundo? Kahit tinext nya nalang ako, para hindi ako nag hintay at para hindi ako na late. Ugh! Sobrang sira na yung araw ko.

Paakyat na ako sa department namin. Unang hinanap ng mga mata ko si Kent. Sisigawan ko talaga siya at babatukan ng napakalakas. Galit talaga ako! >__<

Kaso napatingin ako sa table nya na katabi ng table ko, walang tao. Wala siya.

Kumunot noo ko. Ako kaya nangyarindun? Kahapon nag mamadaling umalis tapos ngayon wala? Sheeeet. Na curious tuloy ako. Ugh!

“oh gab. Bat late ka?” bungad agad sakin ni cris nung umupo ako sa cubicle ko.

“ugh! Eh kasi yung magaling mong kaibigan hinintay ko para sunduin ako. Pero hindi nag pakita. Kahit text man lang sana para hindi na ako nag hintay, Wala! Bwisit na late tuloy ako” sagot ko at lalong kumunot noo ko. Nagalit nanaman ako pag naalala ko yun. Ugh!

“tsk! Ewan ko ba kung anong nangyari dun, kahapon nag mamadali, tapos naman ngayon absent, Hindi man lang nag sabi” sabi naman ni cris.

“Oo nga. Ano ba dun ang nangyari sa kanya? Wala ba syang naikwento sayo?”

Napatingin naman sakin si cris

“wala nga eh. Ewan ko ba dun. Hindi kasi nag kekwento yung lalaking yun pag may problema, sinasarili nya lang. nung nag break nga sila ni kate halos one week hindi nag pakita samin, akala namin mag papakamatay na. Gago talaga yun” sabi naman ni cris na pa iling pa siya

“Kausapin mo nga, o e text an lang, gago sya kamo. Hindi nag sasabi kung anong nangyayari sa kanya” sabi ko

“haha. Ok! Etetext ko nalang sya, mag tatanong din ako sa ibang mga tropa namin, baka may nakakaalam sa problema nya”

“tsss. Bwisit. Pag bumalik sya dito babatukan ko talaga siya ng sobrang lakas. Pinag commute pa naman ako mag isa. Tssss”

“HAHAHA. gawin mo yun para matauhan.” Sabi nya at tumawa pa

“tsss. Gagawin ko talaga nun. Ang dami na nyang kasalanan sakin” sagot ko

Tumawa nalang si cris. Pagkatapos nun. Hindi na kami nag usap. Nag trabaho nalang kami. Kakainis naman, hindi talaga ako maka concentrate. Ugh! Ano ba kasi ang nangyayari sa lalaking yun. May problema ba siya? Tsss. Bwisit. Hindi ko ma pigilan sarili mo mag isip.

Falling in Love UnconsciouslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon